Abante Tonite Interactive

Jeepney driver niratrat ng riding-in-tandem

1,122

Agaw-buhay na isinugod sa pagamutan ang isang jeepney driver matapos pagbabarilin ng isang lalaki at isang babae na riding-in-tandem kahapon ng tanghali sa Roxas Boulevard, Pasay City.

Nilalapatan ng lunas sa San Juan De Dios Hospital ang mga tinamong tama ng bala sa kaliwang dibdib at kanang kamay ng biktimang si Jecris Tabon, nasa hustong gulang, nakatira sa Brgy. Poblacion 1, General Mariano Alvarez, Cavite.

Sa inisyal na ulat na natanggap ni Sr. Supt. Noel Flores, hepe ng Pasay City Police, dakong alas-12:15 ng tanghali nang pagbabarilin ng mga suspek ang biktima sa north bound lane ng Roxas Boulevard habang namamasada ito ng kanyang jeep.

Walang plaka ang motorsiklo ng mga suspek, nakasuot ang mga ito ng camouflage at helmet.