Abante Tonite Interactive

Jef tumatarget ng DOM

0 344

Aminado si Jef Gaitan na bilang aktres ay nakaranas siya ng mga indecent proposal. Noong una raw ay talagang nawindang siya at iniyakan niya ito.

Sambit ni Jef, “Dati umiiyak pa po ako ‘pag may indecent proposal dahil parang naisip ko na, ‘Hanggang dito lang ba ako?’ Pero through the years na may ganyan, nasanay na po ako, so I simply just say no. Or natatawa na lang ako or I just ignore.”

Magkano ang pinakamahal na offer? “2M for a one night stand or ‘yung isa-sa bachelors nights gift… wala po, I don’t respond sa messages,” tugon ni Jef.

Sa pelikulang “Marineros” ni Direk Anthony Hernandez, isang high class escort girl na gold digger si Jef na target ang mga DOM.

“Dito, I’m a gold digger, I go for men who give me the comfort in life. But at the same time I also have vulnerability. So, I met Paul, waiter siya roon, mayroon akong kasamang DOM, pero nang nakilala ko si Paul ay na-attract ako sa kanya.

“‘Yung movie na Marineros na showing na sa Sept. 20, it’s a story about ‘yung mga seaman, ‘yung mga nagtatrabaho sa cruise ship, mga nagtatrabaho sa barko. Gumaganap ako rito bilang isang escort service sa mga DOM, iba-iba ‘yung kliyente niya.”

Nagpa-sexy ba siya sa movie? “Ito ‘yung escort na parang revealing ‘yung outfit, medyo sosyal, pero nakabihis naman, ‘yung hindi halata… More on landi-landian lang bale, hahaha!”

In real life, lapitin ba siya ng mga DOM talaga?

“Lapitin, but I say no. Minsan sa Instagram makaka-receive ka pa ng message na, ‘Magkano ka ba isang gabi?’ Pero parang dinededma ko na lang or ‘di ko na lang sinasagot.

“I believe in my skills, I believe in my talent. So kahit mahihirapan ako sa buhay, alam kong maitatawid ko ang sarili ko na ako lang mag-isa, na walang tulong or nang hindi ko kailangang manggamit at manakit ng ibang tao.

“Ako I dont mind dating an older guy as long as single. Pero kung married, no talaga,” diin pa ni Jef.

Mula sa Golden Tiger Films at Premier-Dreams Production Inc., tampok sa pelikula sina Michael de Mesa, Ahron Villena, Claire Ruiz, Valerie Concepcion, Jon Lucas, Paul Hernandez, at iba pa. (Nonie Nicasio)