Abante Tonite Interactive

Jeff na-hunting ang dalagita

356

Hinanap at natagpuan ni Alaska coach Jeff Cariaso ang dalagitang nag-viral ang larawan sa social ­media dahil sa pagsusuot ng “makeshift Nike” habang tumatakbo sa isang palaro.

Nanalo si Rhea Bullos ng Balasan, Iloilo ng gold medal sa 400m, 800m at 500m runs sa Iloilo Schools Sports Council Meet.

Nag-viral ang post ni Predirick Valenzuela, kita ang 11-anyos na batang atleta na walang sapatos sa tracks, ginamit na pangsapin sa paa ang elastic bandage na ibinalot pati sa mga daliri,

Sinulatan pa ang bandage ng “Nike” at nilagyan ng Swoosh logo ng shoe apparel.

Ni-retweet ng netizens ang pics, tinag pa ang Nike at Titan-22.

Nakita ni Cariaso ang post at sumagot: “Help me connect with her please.”
Co-founder ng Titan si Cariaso.

Kinabukasan ng Miyerkoles, may update na ang Aces coach sa kanyang post:
“Thanks for the post. I was able to speak to Rhea and her adviser this morning. Thanks to those who message me also with her contact number.”
Saludo sa’yo, coach Jeff! (VE)