Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jela ‘di tuyot sa pandemya

0 51

NI: VINIA VIVAR

Aminado ang sexy star na si Jela Cuenca na dahil sa sunod-sunod na proyekto niya sa Viva Films, hindi niya gaanong naramdaman ang hirap ng pandemic. Hindi tuyot ang bulsa niya.

“Before, bago mag-pandemic, hindi ko talaga inakala na makakapasok akong artista and wala talaga sa isip ko na mapupunta ako sa ganito,” simula ni Jela sa digital mediacon ng latest film niyang “Pusoy.”

Patuloy niya, “then, nag-pandemic and nakilala ko ‘yung manager ko (Jojo Veloso). Sobrang thankful ako na nakilala ko siya and of course, kay Boss Vic (del Rosario), sa Viva. Ang laki ng pasasalamat ko sa kanila. Kung wala sila, wala ako sa sitwasyon ko ngayon.

“And ayun, sobrang nakakataba ng puso, speechless. Kasi hindi gano’n ako nahirapan nun’g pandemic nun’g nakilala ko sila. Actually, hindi ko nga naramdaman na nahirapan ako.

“Kasi nga, di ba, maraming tao ‘yung nahirapan nun’g pandemic. But ako, parang napadali kasi si Boss Vic, ‘yung Viva, tinulungan talaga nila ako, binigyan agad nila ako ng project, and ayun, thank you so much.”

Marami-rami na ring nagawang pelikula si Jela for Vivamax and in fact, isa siya sa tinaguriang “VMX Crush” along with AJ Raval and Angeli Khang.

Sa Pusoy ay ginagampanan ni Jela ang role na asawa ng karakter ni Vince Rillon. Kasama niya rin dito si Angeli Khang, Baron Geisler and Janelle Tee mula sa direksyon ni Philip Giordano.

Magkakaroon ng world premiere ang Pusoy sa May 27 sa Vivamax.

Leave A Reply

Your email address will not be published.