Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jela game sa tatluhan

0 90

NI: ROLDAN CASTRO

Iba ang karisma ng Vivamax crush na si Jela Cuenca. Mukhang game sa tatluhan ang awra. Sa pelikula ay kayang-kaya niyang gawin ang ganitong eksena. Pero sa tunay na buhay ay may limitasyon siya.

Nabinyagan na siya sa pelikulang ‘Taya’ .Ito ay psychedelic erotic-thriller movie na nangunguna sa Top 10 Content of the Week ng Vivamax. Hindi nakakagulat kung hindi man ito umalis sa ganitong posisyon dahil simula pa lamang ay napakalakas na ng dating ng pelikulang ito.

Mula sa direksyon ni Roman Perez ang ang pelikulang “all-time record holder for single day views on Vivamax!”

Ito ay napakalaking tagumpay para kina Jela , AJ Raval at Angeli Khang.

Aminado si Jela na nabigla siya na ganito kapangahas ang kanyang unang movie project. Marso 2021 lamang nang pumirma si Jela sa Viva. Dahil sa mga workshops at guidance ng kanyang direktor at mga co-stars ay hindi naman siya nahirapang ibigay ang mga hinihiling na eksena.

Siya ay 23 years old na sa nalalapit na September 19. Nagmula sa Bayawan City, Negros Oriental, may mga beauty pageant sa kanilang probinsiya ang sinalihan ni Jela. Nag-model rin siya. Siya ay nadiskubre ng kanyang manager sa isang photo shoot.

Nagpapasalamat si Jela sa mga payo ni AJ at talagang gusto niyang matuto. Nais niyang ipakita ang kanyang kakayahan bilang isang aktres at manatili sa industriya para matulungan ang kanyang pamilya. Gusto rin niyang malaman ng mga tao na sa likod ng pagpapaka-sexy ay isa rin siyang simpleng babae na hindi suplada.

Hindi nagkamali ang Viva sa pagtaya kina Jela, Angeli at AJ. Ang bawat isa sa kanila ay dapat tawaging VMX Crush.

Leave A Reply

Your email address will not be published.