Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jela tatayaan ng mga barako

0 656

NI: ROLDAN CASTRO

Bagong pagpapantasyan ang sariwang sexy star ng Viva na si Jela Cuenca.

Siya ay alaga ng pamosong manager na si Jojo Veloso.

Introducing si Jela sa pelikulang Taya na tampok din ang dalawa pang alaga ni Tito Jo na sina AJ Raval at Angeli Khang.

Bagamat patalbugan ang tatlo sa paseksihan, nandoon naman ang pag-alalay ni AJ sa dalawa.

First time kasi sa mapangahas na eksena sina Jela at Angeli samantalang pang-apat na pelikula na ito ni AJ.

SM food to go Banner Ad

Anyway, iba rin ang karisma ni Jela. Kahit sinong barako tatayaan ang kanyang alindog. Papangarapin din nila ang dalaga na maangkin.

Husgahan si Jela sa makamundong pagnanasa sa pinakabagong psychedelic erotic thriller Vivamax Original, ang TAYA. Kasama rin sa movie sina Soliman Cruz, Mon Confiado, Pio Balbuena at Raul Morit.

Ito ay sa direksyon ni Roman Perez Jr. na siya ring nagdirek ng pelikulang “Adan”.

Ang pelikulang Taya ay hindi lamang ordinaryong sexy movie. Dahil bukod sa mga nakakakiliting sexy scenes, mai-excite din kayo sa mga plot twist na puno ng suspense.

Mapapanood ito sa August 27 sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV at VIVAMAX.

Leave A Reply

Your email address will not be published.