Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jelai nagsampa ng annulment kay Jon

0 3,086

Nitong nakaraang Martes, June 1 ay nagsampa ng kasong concubinage ang social media personality at young actress na si Jelai Andres laban sa kanyang asawa na si Jon Gutierrez, also known as King Badger of the Pinoy Hi-Hop Group, Ex-Battalion.

Minabuti ni Jelai na dumulog sa Department of Justice at magsampa ng pormal na kaso laban sa kanyang asawa dahil sa pakikiapid umano nito na nagdulot diumano sa kanya ng matinding emotional at psychological trauma.

Sa panayam kay Jelai ng mga repoters matapos siyang mag-file ng kaso, she revealed na nagsampa na rin siya last April 23 laban sa asawa ng kasong Violation of Republic Act No. 9262, o ang tinatawag na Anti-Violence Against Women and Children laban sa asawa.

Nagkaroon na raw sila ng initial hearing noong Mayo 18 na dinaluhan nila pareho at ang second hearing naman ay naganap nitong June 1 at isinabay na nga niya ang pagsasampa ng concubinage.

“Ngayon mayroon akong finayl na bagong case which is merong involved na ibang tao maliban kay Jon. And sobra na kasi, parang masyado na akong natapak-tapakan, tapos parang ‘yung kabilang panig pa ang naghahamon at parang matatapang,” she said.

“There are times that we need to learn how to stand up and fight for our rights, to seek justice and hopefully, people will learn a lesson especially those who don’t know how to respect the sanctity of marriage.

“We all know na nasa batas ng Diyos, which is the Ten Commandments, na kasalanan ang pakiki-apid. Nasa batas din po iyan ng tao.

“Ignorance of the law is not an excuse, unless may mga tao na selfish at walang pakialam na makasakit ng feelings ng iba at makakasira ng pamilya,” patuloy pa niya.

Idinagdag din ng young actress na isusunod na raw niya rito ang pagsasampa ng annulment ng kanilang kasal.

Ayon naman sa legal counsel ni Jelai na si Attorney Faye Singson, may deklarasyon daw ang Korte Suprema na “psychological violence is an indispensable element of violation of Section 5(i) of R.A. No. 9262. Equally essential is the element of emotional anguish and mental suffering, which are personal to the complainant. Psychological violence is the means employed by the perpetrator, while emotional anguish or mental suffering are the effects caused to or the damage sustained by the offended party.”

Samantala, bukas ang pahina namin para sa panig ni Jon.

@@@

Jennylyn, John Lloyd magpapakilig sa reunion

Kinikilig na ang mga tagahanga ng tandem nina Jennylyn Mercado at John Lloyd Cruz sa magaganap na pagkikita ng dalawa ngayong June 6. Matatandaang unang minahal ng mga fan ang kanilang team-up nang magkasama sila sa hit 2016 film ng Star Cinema na Just The 3 of Us.

Matapos ang limang taon, muli silang magkikita at magsasama ngayon sa gaganaping midyear sale live ng isang online shopping sa Araneta Coliseum . Parehong guest ang dalawa. Mapapanood ito via live telecast sa GMA-7.

Sobrang na-excite ang kanilang fans at kanya-kanya silang post ng larawan nina Lloydie at Jen na magkasama.

“Reunion nila Daddey and Mommey? Abangan…” ang caption ng isang post na nakita namin.

Well, sino nga naman ang mag-aakala na mapapanood sila together sa GMA-7 gayung dati ay tila nakapaimposible nito since magkahiwalay sila ng network.

Ngayong nasa GMA-7 na si Lloydie, syempre, ang wish ng kanilang fans ay magsama silang dalawa ni Jen sa isang teleserye na mukhang hindi naman malayong mangyari.

Leave A Reply

Your email address will not be published.