Abante Tonite Interactive

Jelqing at incel

792

Dra. Margarita Holmes

Dear Dra. Holmes:
Ang jelqing po ba ay talagang nagpapalaki ng ari? Nakakatulong po ba ito?
Mayroon pa akong ibang sali­tang narinig: incel.

Ano po ba ito? Nakakatulong rin po ba ito ng pampalaki ng ari pero surgery daw ang proseso? Maraming Sala­mat po.
Raymond

Dear Raymond:
Maraming salamat sa sulat mo. Ang jelqing at incel ay dalawang magkaibang bagay, kasi ang jelqing ay tungkol sa ginagawa mo sa ari mo para lumaki ito (hindi pa natin pinag-uusapan kung epek­tibo ba ito o hindi, ok?) at ang incel naman ay tungkol sa “mindset” (isipan) ng isang tao.

Pero, masasabi rin natin na ang jelqing at incel ay pareho kasi pareho silang naniniwala na mayroon silang magagawa sa kanilang itsura.

Para sa jelqing, ito ay tungkol sa itsura ng ari—mas malaki tingnan at, para sa mga lalakeng nag-je-jelqing,­ sana, mas malaki talaga.

Para naman sa incel, ito ay tungkol sa itsura ng kanilang mukha at tinatanggap nila na para magbago kailangan nila ng operasyon (minsan 2, 3 o kahit sampu) para ma­ging hindi na incel. Pero maraming­ nagsasabi na ito ay sa isip lang ng mga incel.

Pero balikan muna natin ang jelqing dahil alam ko mas maraming tagabasa ay mas interesado rito.

Ang jelqing ay isang uri ng pagmamasahe para sa ari. Ang paniniwala na ito ay nagpapalaki ng ari at nagpapabuti ng takbo ng dugo ng tao (Improves blood flow). Ang paniniwala rin ay ang jelqing ay galing sa gitna silangan (middle east) pero kilala na ito sa buong mundo. Pero epektibo ba ang Jelqing? TO BE CONTINUED.

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa TONITE sa Sabado. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes at panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook tuwing Huwebes, 7 pm.