Abante Tonite Interactive

Jema, L’Falcons dinagit ang L’Tams

By
5,930

Ibinaon ng Adamson University ang talim ng kuko saka dinagit ang Far Eastern University 25-23, 19-25, 25-22, 21-25, 15-12, kahapon sa 80th UAAP women’s volleyball tournament sa Filoil Arena, San Juan City.

Inilipad ni Jessica Margarett ‘Jema’ Galanza ang 26 points, 15 digs at 17 excellent receptions upang ilista ng Lady Falcons ang 1-1 card at ipalasap sa Lady Tamaraws ang unang talo sa dalawang laro.

Ayon kay San Marcelino-based squad coach Air Padda, natuto sila sa kanilang nakaraang talo kontra National University sa opener.

“They needed a confidence booster and unfortunately last week it wasn’t against NU,” saad ni Padda.

Kumana si Mylene Paat ng 13 points para sa AdU volleybelles habang bumakas si Mary Joy Dacoron ng 12 puntos.

May 22 points, 16 digs at 19 excellent receptions si FEU skipper Bernadeth Pons habang nagtala si Toni Rose Basas ng 18 markers.

Bukod sa Adamson at FEU, 1-1 din ang baraha ng University of Sto. Tomas at University of the Philippines.

Umiskor naman ni Michelle Monique Cobb ng 10 puntos,. Kabilang ang huling tatlo upang ipatudla sa De La Salle University ang pangalawang sunod na panalo sa pagsala sa tuktok kontra University of the Philippines 25-21, 25-22, 26-24.

Sinamahan ng Lady Spikers sa liderato ang Lady Bulldogs.