Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jennylyn ‘Buntis’ kay Dennis

0 110

NI: MILDRED BACUD

Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ang mga netizen kung ano ang rason kung bakit napack- up ang ‘Love. Die.Repeat’ . Ito ang seryeng first time sana na pagsasmahan nina Jennylyn Mercado at Xian Lim. Wala pa rin kasimg statement ang GMA 7 habang sinusulat ito.

First series pa naman ito ni Xian sa Kapuso network. Marami na ang excited kasi nakitaan na agad sila ng chemistry. Pero di na nga matutuloy at ang binigay na rason ay due to medical reason.

Kaagad namang kumalat sa social media ang mga congratulatory comment na sinasabing buntis umano ang aktres. Hinuhulaan na siya ang tinutukoy sa blind item na lumabas tungkol sa isang sikat na aktres na buntis. Komento ng isang netizen, ” Happy for them. Sana magpakatino na si Dennis Trillo. “

Reaksyon naman ng isa, ” Hindi man lang nagpakasal muna. Sana huwag matulad kina Paolo at LJ.”

Karamihan naman ng komento ay positibo na natutuwa kung sakali mang totoo ang tsikang ito. Aprub sa kanila kung may ‘blessing’ na parating kina Dennis at Jen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.