Abante Tonite Interactive

Jenine boycott sa presscon ng Janella-Elmo movie

By
4,437

KUNG ang nanay ni Elmo Magalona na si Pia Magalona ay nasa presscon ng My Fairy Tail Love Story ng Regal Entertainment noong Monday night, hindi naman na-sight doon ang nanay ni Janella Salvador.

After ng question and answer segment, inusisa ko ang direktor ng My Fairy Tail, si Perci Intalan, tungkol sa shooting ng kanilang pelikula. Nagbantay ba ang nanay ni Janella?

“I was surprised nga. Hindi nagpunta si Jenine sa shooting namin. Never siyang nagpakita, akala ko nga makikita ko siya. Not that worried ako na baka makikialam siya during the shooting dahil sa music video shoot naman namin para sa Moana ng Disney, nandoroon siya, pero hindi naman siya nakialam.

“Cool nga lang siya, pero hindi talaga nakialam,” kuwento ni Direk Perci.

Samantala, 5 days nakapag-shooting para sa My Fairy Tail ang mister ni Perci na si Direk Jun Lana, pero hindi na raw ito nagpa-credit pa.

“Bale sa story siya naka-credit and as a producer. Pero ayaw na niyang magpa-credit as co-director dahil konting mga eksena lang naman ang nakunan niya at ‘yung iba na-edit pa. Sa akin nga, gusto ko na maging co-directors kami, pero siya na mismo ang ayaw magpa-credit,” sabi pa ni Direk Perci.

Zoey Teng alagang-alaga ni Jeron Teng

DOG lover ang Alaska basketball player na si Jeron Teng. May shih tzu ang pamilya nila, si Zoey Teng. Yes, dala-dala ni Zoey ang surname nila dahil ‘bunso’ raw nila ang nasabing dog.

Sobrang mahal na mahal ni Jeron, ng brother niyang si Jeric Teng, at ng buong pamilya nila si Zoey. Kapag namamasyal, may stroller pa si Zoe, huh!

Madalas din kapag nagpupunta ng mall si Jeron, binibilhan niya ng toys si Zoey!

Pati nga ang girlfriend ni Jeron na si Jeanine Tsoi, love na love rin si Zoey, huh!

Aso ni Zion pinagkaguluhan

ANG St. Bernard dog naman nina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati at Zion na si Emma ay may sarili ring Instagram account (@officialsaintemma) at bongga siya dahil as of yesterday ay 5,248 na kaagad ang followers niya.

Si Emma ang pinagkakaabalahan ngayon nina Richard, Sarah at Zion. Cute na cute si Zion kay Emma, kaya type na type niyang mamasyal na kasama ang kanilang dog, huh!

Sabi nga ni Zion kapag tinatanong siya tungkol kay Emma, super love raw niya ang dog.

Sobrang tuwang-tuwa nga si Zion nang dumating sa buhay nila ang nasabing dog.

Kapag pinapasyal nila si Emma sa lugar nila, maraming cute na cute sa dog at nagpapa-picture pa kasama ito.

Si Richard nga pala ang nagturo ng tricks kay Emma na madali namang nakukuha ng kanilang dog, kaya mas naaaliw si Zion kay Emma.