Abante Tonite Interactive

Jenine lalong nasuklam kay Elmo

By
3,436

MAY rason si Jenine Desiderio kung bakit ganon na lang ang suklam niya kay Elmo Magalona, na sabi nga ay ni ayaw niya itong makita.

Sa kasal kasi nina Maxene Magalona at Robby Manaquil sa Boracay ay kitang-kita na sweet na sweet ang dalawa.

Ipinoste ni Tim Yap sa Instagram ang photo nina Elmo at Janella na magka-holding hands. Mismong si Tim ang nagsabing sweet ang dalawa.

Abante Hiring – IT dep

At sa IG post ni Elmo, walang dudang love na love niya sa Janella, dahil sa super lagkit na pagkakatitig niya kay Janella.

“The Way you Look Tonight #IRobYouVeryMaxx,” ang sabi ni Elmo.
Kitang-kita rin sa IG ni Janella ang paglalambingan nilang dalawa.

“Always protects, always trusts, always hopes, always persevere #irobyouverymaxx. @fmam,” sabi ni Janella.

Nung oras na `yon, tila kahit magalit nang buong buhay si Jenine at tumutol kay Elmo, wala na itong magagawa dahil hulog na hulog na sa pag-ibig ang anak kay Elmo.

Arci Munoz feeling fairy sa mga kapus palad na bata

KAKAIBANG trip naman ang bet ni Arci Muñoz ngayong 2018 at sa birthday niya (Jan. 12). Feeling Snow White nga si Arci ngayon.

Nasa carousel si Arci at naka-emote na animo ay isang tunay na Disney Princess, na may kasama pa siyang mga bata.

Pangarap pala ni Arci na maging Disney character at i-treat ang mga bata sa mala-wonderland na lugar na gaya ng Enchanted Kingdom o Star City o Hong Kong Disneyland.

“Since last year, I told myself that this is how I wanna spend my birthday with my little prince and princesses.

I can’t wait to take them to this fairytale world I live in! #birthdaywishes #snowhite #disney,” sey ni Arci.

Last year pa kuha ang photo na `yon ni Arci na naka-costume, na nag-celebrate siya ng birthday kasama ang ilang mga less fortunate kids. At ngayon nga ay ganun ulit ang bet niya.