Abante Tonite Interactive

Jenine no show sa premiere night ng anak

By
3,815

WALEY nga si Jenine Desiderio sa premiere night ng pelikula ng My Fairy Tail Love Story na ginanap sa Cinema 7 ng SM Megamall nung kamakalawa ng gabi.

Ngayon na ang showin­g nito, at safe naman ang sagot ni Janella Salvador na sana panoorin daw ito ng Mommy niya.

Dinig namin, nasa rehearsal si Jenine ng concert ni Peabo Bryson na ginanap sa Resorts World kagabi. Special guest daw doon si Jenine.

Hindi maiwasang pag-usapan pa rin ang isyu nilang mag-ina pero nakiusap na lang ang Regal na huwag nang gamitin ang isyung ito sa promo ng pelikula nila ni Elmo M­agalona.

Magpaka-positive na lang dahil todo naman ang suporta ng ElNella fans pati ang mga close friends nila.

Present sina Liza Sobe­rano, Julia Barretto at Darren Espanto na talagang tinapos ang panonood ng pelikula.

Personal silang inimbita ni Janella na mabuti lang daw wala silang trabaho, kaya nakarating sila.

Nagpasalamat sina Elmo at Janella sa kanilang mga fan na nangakong magpapa-block screening pa sila.

So far, mahigit 40 na raw ang nagpa-sche­dule ng block screening­ na in-organize ng ElNella fans.

Ngayong araw nga ay manonood daw ang dalawa sa isa sa mga block screenings. Iyun na raw ang selebrasyon nila ng Valentine’s Day.

May pa-surprise naman daw si Elmo kay Janella para sa Araw ng mga Puso.

Shooting ng anak nina Bong at Lani, binulabog ng tokhangers

PUSPUSAN na ang pagsu-shooting ng pelikulang pino-produce ng Imus Productions ng pamilya Revilla.

Ang dating­ Sen. Bong Revilla ang na-touch sa ginawa ng mga kapatid niya dahil nagtulong-tulong silang maging active muli ang kanilang film outfit.

Gusto raw kasi ng Daddy nila, ang dating Sen. Ramon Revilla Sr. na mabalik ang action films, at gustong simulan ng Imus Productions.

Kaya naisipan nila ang tatlong kuwento na tumatalakay sa droga, pero punong-puno ng aksyon. Tatlong kuwentong pagbibidahan nina Bryann, Luig­i at Jolo Revilla. Tatlo rin ang direktor na sina direk Richard Somes, Edgardo ‘Boy’ Vinarao at Dondon Santos.

Magsisimula pa lang mag-shooting si Jolo, samantalang sina Luigi at Bryann ay patapos na.

Dinalaw namin ang last shooting day ni Bryann­ na may tentative title na Virgo 86. Mainit ang mga eksenang kinunan na kung saan may mabigat na drama sila ni Joey Marquez. Bilib na bilib si Direk Richard­ Somes kay Bryann na magaling sa mga drama at action scenes na ginawa nito.

Sabi ni Bryann, gusto lang daw niyang sundin ang bilin ng Daddy (Sen. Ramon Revilla Sr.) na ituloy ang paggawa ng action films.

“Matagal na kasing ‘di gumagawa ng pelikula ang Imus Productions, and we came out this project.

“Ang lolo ko, ang tatay ko action star ang mga ‘yan. So, I think it’s about time na ibalik namin ang action,” pakli ni Bryann.

Kahit nasa loob pa ng Camp Crame si Sen. Bong, updated naman daw ito sa mga nangyayari.

“We always make it a point na alam niya ang mga nangyayari everytime na may shooting kami,” dagdag niyang pahayag.

Kagaya nu’ng last shooting­ day ni Bryann, dumalaw pa doon si Mayor Lani Mercado para makumusta rin ang kanyang anak.

Nagulat lang kami doon sa shooting dahil nagkaroon pala ng gulo sa labas ng lugar na pinagsyuti­ngan nila.
Nasa loob sina Bryann­ at Joey Marquez sa lumang building ng Manil­a Times, at matagal ang mga eksenang kinukunan nila sa loob.

Wala silang kamalay-malay na meron na palang tinokhang sa labas malapit lang sa location nila doon sa Port Area.

May narinig kaming magkakasunod na putok ng baril, pero hindi na namin pinansin dahil ang akala namin, may test firin­g lang para sa shooting­. Iyun pala totohanan na dahil merong dalawang taong pinagbabaril ng ‘di nakila­lang mga tao.

Ang sabi nila, mga pulis daw iyun dahil nanlaban ang dalawang nabaril. Hindi na namin inalam ang buong pangyayari dahil hindi na kami pinalapit sa lugar na pinangyarihan at nandun pa ang dala­wang taong nakabulagta.

Sabi nga, ‘art imitates life’ dahil tungkol sa pagsugpo sa droga ang pelikulang ginagawa, tapos may totoo talagang tokhang na nangyayari sa labas ng set malapit lang sa pinag­syutingan.

Joey dedma na sa politika

NATUTUWA si Joey Marquez sa kanyang showbiz career, at mariin niyang sinabi na hindi na niya babalikan ang politika.

“Deretsahan ko nang sinasabi ‘yan kasi galing na ako diyan eh. Gra­duate na ako diyan,” pakli ng dating alkalde ng Parañaque ng mahabang panahon.

Pati pala mga anak niya ay dini-discourage daw niyang pasukin ang dati niyang mundo ng politika.

Hindi lang si Jeremy Marquez na active as public servant, pati rin pala si Winwyn Marquez ay marami na rin ang nagkukumbinseng tumakbo ito sa 2019 elections.

Pero sinabihan daw ni Joey ang Reina Hispanoamericana na okay lang daw na tumakbo ito sa eleksyon, pero dapat tapusin daw muna nito ang MBA at PhD na pinag-aaralan pa ngayon.

Proud na proud si Joey sa na-achieve ni Winwyn bilang international beauty queen, kaya ayaw daw niyang madungisan ang pangalan nito kapag pinasok din ang politika. Pero kung talagang gusto raw nila, wala na raw siyang magagawa. Basta lagi niya itong sinasabihan na ma­laking responsibilidad ang isang public servant.

Dagdag na pahayag ng Kapamilya actor: “Sabi ko nga eh, Hindi naman negosyo ‘yan, trabaho ‘yan. Moral responsibility mo sa mga tao ‘yan.

“Okay lang na pumasok ka diyan sa public servant, but not as a politician. I’ll be against everything you do if you act like a politician.”