Abante Tonite Interactive

Jenna Dewan nagsampa ng divorce kay Channing Tatum

875
Gagawin ng legal ni Jenna Dewan ang paghihiwalay nilang mag-asawa na si Channing Tatum.
Walong buwan nang hindi nagsasama ang Step-Up actor at actress. Ini-announce nila sa social media ang kanilang joint statement separation.
Kamakailan ay nag-file na ng divorce si Dewan sa Los Angeles courtroom.
Sa report na nakuha ng Blast, ang attorney ni Dewan na si Samantha Spector ay nagsampa ng mga dokumento, kung saan hiniling ng aktres na ang anak nila ni Tatum ay mapunta sa kanya. Hiniling din nitong ibalik sa Jenna Dewan ang kanyang pangalan.
Sinagot ng kabilang kampo ang nais ng aktres. Lumilitaw na siya at ang ex-husband ay sumang-ayon na pareho silang legal na mangangalaga sa anak nilang babae.
Ang celebrity couple ay kinasal eight years ago. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang anak na babae, si Everly. Napagkasunduan nila nang maghiwalay na co-parenting sila sa anak.
Magmula nang maghiwalay ang mag-asawa ay nagkanya-kanya na silang lakad. Si Tatum ay nakikipag-date ngayon sa singer na si Jessie J. Samantalang si Dewan ay muling nagbubuhay dalaga.