Abante Tonite Interactive

Jennifer Aniston nag-topless sa edad 50

588

Si Jennifer Aniston ay naging 50-taong gulang sa taong ito ngunit hindi niya pinahihintulutan ang numerong iyon para hadla­ngan siyang gawin ang mga bagay na gusto niya.

Nakilala nang husto ang aktres dahil sa kanyang pagganap bilang Rachel Green on “Friends.” Sa pagtuntong sa edad na singkuwenta ay hindi ito kailanman napagod sa pag-ibig at sa pagpu-pose nang topless.

At bakit naman hindi? Si Jennifer ay mukhang bata sa kanyang edad at mayroon siyang seksing katawan. Perfect ang kulay ng kanyang balat na hinahangaan ng marami. Ginawa niyang mag-pose nang topless para sa kanyang bagong pelikula, ang Adam Sandler movie na “Murder Mystery.”

Abante Hiring – IT dep

At sa pinakabagong panayam sa kanya ay sinabi ni Jennifer the most beautiful na hindi siya nakikipag-date sa kasalukuyan dahil masyado siyang abala sa trabaho.

Sa pinaka­bagong pana­yam sa ex nina Brad Pitt, John Mayer and Justin Theroux, sinabi niyang hindi siya nakikipag-date kahit kanino pero bukas siya sa pagkakaroon ng bagong pag-ibig.

“My focus has been on the show, so dating has not been one of my first priorities. I feel like whatever [romance] looks like, it will present itself, and it’s not about see­king it out, you know,” katwiran niya.

At kahit pa nga dalawang beses na siyang nakipag-diborsyo, hindi pa rin niya sinusukuan ang pag-ibig. Katwiran niya, kung si Elizabeth Taylor ay walong beses ikinasal – dalawang beses sa iisang lalake (Richard Burton) – kaya bakit naman daw hindi niya puwedeng gawin.

“When it comes k­nocking, it’s going to be welcomed,” tahasang sinabi ni Jennifer.

Sexy and proud siya kaya naman nang alukin siya ng photographer na si Alexi Lubomirski na i-pictorial nang walang damit pang-itaas ay hindi siya nagdalawang-isip.

“It felt completely normal. I think our bodies are beautiful, and I think celebra­ting them and being comfor­table in them—no matter what age you are—is important.

There shouldn’t be any kind of shame or discomfort around it,” paliwanag ni Jennifer sa pagpu-pose nang topless. (Lourdes F­abian)