Abante Tonite Interactive

Jennifer Aniston nagparetoke?

452

By Lourdes Fabian

Para balikan ni Brad Pitt:

Ang mga tabloid sa Hollywood ay naglabas ng iba’t ibang kuwento tungkol sa umano’y pagpaparetoke ng aktres na si Jennifer Aniston. Narito ang ilang maling mga balita na nasulat tungkol kay Jennifer.

Noong nakaraang linggo, nabalitang si Aniston ay gumastos ng $1 milyon sa kanyang katawan bilang paghahanda sa muli nilang pagbabalikan ni Brad Pitt.

Ayon pa sa ulat na inilabas ng isang ma-gazine, ang aktres ay sumailalim sa isang laser treatment para tunawin ang mga fat cells sa katawan.

Meron ding isang non-surgical body lift, bukod sa iba pang mga procedures. Pero napag-alamang ni isa sa mga lumabas na balita ay malayo sa katotohanan.

Nilinaw ng kampo ng aktres na hindi totoong nagkabalikan na sila ng ex-husband na si Brad Pitt.

Sa katunayan, sinabi ni Aniston sa isang panayam na zero time siya pagdating sa pakikipag-date. Nakatuon ang kanyang oras sa trabaho. Sa kabila ng mga fake news na ikinakalat tungkol sa kanya, binigyang-linaw rin ng isang taong malapit kay Jennifer na hindi siya gumastos ng $1 milyon sa kanyang katawan.

“I’m not a fan of cosmetic work, coz I believe that getting enough sleep and drinking lots of water are the best bets for really great skin,” deklara ng sikat na aktres.

“People lose perspective. I look around and see how bad plastic surgery and injections can really kick you in the [behind],” dagdag pa niya.
Wala rin daw katotohanan ang nabalitang nagrebelde siya sa nangyaring hiwalayan nila ni J­ustin Theroux noong nakaraang taon kaya ginusto niyang sumailalim sa isang complete surgical overhaul para mu-ling maging sex symbol.

Walang bearing ang nasabing kuwento lalo pa’t hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na ang kanilang paghihiwalay ay desisyon nila pareho.

Tinuldukan din ng kampo ng aktres ang nabalitang nagparetoke siya ng boobs dahil nabalisa siya tungkol sa kanyang lumalawlaw na dibdib.
“It’s still mine. All of it. Short of letting e­verybody have a feel, I don’t know what else to do. I really am pretty happy with what God gave me,” sambit pa niya.