Abante Tonite Interactive

Jennifer Lawrence ikakasal na

279

Engaged na sina Jennifer Lawrence at Cooke Maroney kaya balitang-balita na ikakasal na ang 28-year-old Oscar winner sa 33-year-old art gallerist na idini-date niya simula pa noong June 2018. Pumutok ang balitang malapit nang ikasal ang dalawa dahil sa suot na malaki at mabigat na sing­sing ni Lawrence sa kanyang kaliwang daliri habang kumakain sila ng dinner sa Raoul’s restaurant sa New York ni Cooke.

Masayang ipinakita ni Jennifer ang mala-higanteng bato sa kanyang daliri bilang engagement ring na bigay ni Cooke kaya binati siya ng mga kaibigan dahil sa nalalapit nilang kasal.

Nakasuot ng itim na damit na may pu­ting polka dots si Jennifer sa ginanap na engagement party kung saan dumalo ang malalapit nilang kaibigan. Nagka­kilala ang dalawa dahil sa bestfriend ni Lawrence na si Laura Simpson na nagpakilala sa kanya kay Cooke.

Si Cooke ang direktor ng New York’s Gladstone ­Gallery kung saan na­ging kliyente niya ang mga kilala at sikat na personalidad tulad ng ama ni Lena Dunham, Carroll Dunham, at pati si Ri­chard Prince, Anish Kapoor, at Bjork’s ex, Matthew Barney.

Isang respetadong art gallerist ang mapapangasawa ng aktres na nagtrabaho rin sa NYC’s Gagosian gallery, kilala at nirerespeto sa larangan ng art community.

Pagkatapos ng walong buwan nilang relasyon finally ay heto at mauuwi na ang relasyon nila sa kasalan. Nagsi­mula silang mag-date ilang buwan pagkatapos niyang makipaghiwalay sa Mother! director na si Darren Aronofsky, 49, noong November 2017. Malaking factor ang laki ng agwat ng kanilang edad kaya nagkaroon ng problema sa kanilang pagsasama bukod pa sa balitang halos pulos trabaho ang kanilang pinag-uusapan kaya si­guro naging boring na ang buhay nilang mag-asawa. Naibalita na ni Lawrence ang nalalapit niyang kasal sa malalapit na kaibigan. Napag-alamang ang mga magulang ng mapapangasawa ni Jennifer ang nagmamay-ari ng Oliver Hill Farm sa Vermont. Ang kanyang ama ay dati ring art dealer in NYC.