Abante Tonite Interactive

Jennifer Lopez $2M ang presyo sa QnA

By
902

Sa panandaliang pag-perform ni Jennifer Lopez sa private Qatar events humihingi raw agad-agad ng kabayarang milyon ang singer.

Ayon sa source, si JLo ay nag-perform sa Qatar last week para sa 20-minute set ng QnA session sa grand opening ng isang super fancy mall.

Sa panandaliang senaryo kumita raw agad siya ng $2M plus another million for expenses kasama ang private jets.

Nagtanong lang daw ang crowd sa singer kung ano ang kahalagahan ng mga kababaihan dahil ‘yun daw ngayon ang evolving issue sa bansa.

Tanging si JLo lang ang ilan sa mga naimbitahang female entertainer ang naroroon.

Next week dapat ay magpe-perform si JLo para sa Qatar Airways party sa Dolby Theater na gaganapin sa Los Angeles. Muli ay 20-minuto ang ookupahin niyang oras at kikita na naman siya ng $1.2 million.
Ayon sa source, ang $1.2 million ay under negotiation pa raw.

Nakaligtaan lang daw ng airlines ang magpadala ng imbitasyon sa ibang mga performers.

Pero hindi lang naman daw si JLo ang nababayaran ng ganito kalaking amount sa mga panandaliang private parties, ginagawa rin daw ito ng ibang mga celebrity tulad nina Lady Gaga, Bruno Mars at The Weeknd.
Nangyari na rin daw ito nang mag-perform ang Migos sa birthday party ng 16-year-old na anak ni Dana White, ang kasalukuyang presidente ng Ultimate Fighting Championship (UFC).