Abante Tonite Interactive

Jennings may virtual training

0 333

HINDI ipinagkait ng Olympic beach volley gold medalist Kerri Walsh-Jennings ang kanyang husay at talento sa panahon ng krisis sa nakamamatay na coronavirus sa pagbabahagi nito sa kanyang paghahanda at pagsasanay sa iba’t ibang virtual training.

Isa sa tagapagtaguyod ng iba’t ibang outdoor at aktibong lifestyle, sinabi ni Jennings na lubhang mahirap na sundin ang ipinatupad na “stay-at-home” lalOona sa mga batang atleta at iba pang nais manatiling kondisyon at nasa pisikal na estado kaya nito ibinahagi ang kanyang isinasagawang pagsasanay.

Asam ang kanyang ikaanim na pagsabak sa Olympics na napigilan dahil sa coronavirus pandemic ay nagsagawa ng video chats si Walsh-Jennings sa mga volleyball clubs at teams na sinalihan ng 4,500 katao.

Isinagawa nito ang ilang parte na pep talks, part skills clinics at maging video conference upang makausap ang mga kasali na maging aktibo kumpara sa manatili sa panonood ng TV.

“There was a consistent theme to every call: ‘Kerri, we are so sad. We don’t want to lose what we’ve earned. We want to stay sharp and inspired,” sabi ni Walsh-Jennings sa pagluunsad nito sa binuo na “Virtual Summer Camps” para sa mga aspiring volleyball player at iba pa na maging aktibo. (Lito Oredo)

Tonite – Wendys Inhouse Ad