Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jennylyn binuking si Paolo

0 96

Engrande ang all-new episode ng award-winning weekly magical anthology on TV na ‘Daig Kayo Ng Lola Ko!’

Tampok ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado at versatile actor na si Paolo Contis sa kilig at funny magical story na ‘Last People on Earth.’

“Nakakatuwa na finally may new content na maipapalabas ang show, and it’s such an honor to start that out. Expect nila na mapapangiti sila while watching. Sa hirap ng buhay ngayon, minsan kailangan mo talagang malibang sa mga pinapanood mo, at isang halimbawa ng episode namin ito,” pagmamalaki ni Jennylyn.

Sey naman ni Paolo, “Matagal ko nang naka-work si Jen and it has always been a pleasure. She’s very professional and she knows what she’s doing. Magaan siya ka-work. Masaya and honored din ako na kami ‘yung na-cast sa pagbabalik ng fresh episodes ng Daig Kayo Ng Lola Ko. Napakasaya nung episode. We made sure of that.”

Samantala,binuking ni Jen kung ano ang nadiskubre niya kay Pao during tapings.

SM food to go Banner Ad

“ Paolo is very serious in between takes. Kasi very outgoing person siya, so it is so interesting to see him prepare between each takes,” sambit ng aktres.

Ano ang pinakapaborito niyang scene sa Daig Kayo Ng Lola Ko?

“Lahat. Walang dull moment. Magaling si Direk Rico Gutierrez,” pakli ni Jennylyn.

Abangan ang pagtatambal nila sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ this coming Sunday, July 18 sa GMA-7 pagkatapos ng ‘24 Oras Weekend.’ Kasama sa nasabing episode sina Maxine Medina, Nico Antonio, at Skelly.

Leave A Reply

Your email address will not be published.