Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jennylyn, Dennis nakabitin ang kontrata sa GMA

0 220

Gaano katotoo na nakabitin ang kontrata ng reel and real life couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa Kapuso network?

May kibitzers na nagpapalagay na ito daw ang dahilan kaya nagawang makapag-endorse ang couple ng kandidatura ng isang presidentiable.

Kung tutuusin kasi, ang mga prized talents ng GMA-7 tulad nina Marian Rivera, Alden Richards, Bea Alonzo at Dingdong Dantes ay tila tahimik lang pagdating sa mga minamanok nila sa nalalapit na eleksyon.

Kasama raw kasi sa probisyon ng kanilang kontrata na bawal silang makisawsaw sa politika otherwise puwede silang makasuhan ng breach of contract.

Hirit pa ng ilang nagmamahadera, nakabitin daw ang kontrata ng dalawa dahil na rin sa nangyaring pagbubuntis ni Jennylyn na naging dahilan ng pagkaka-shelve ng seryeng Love. Repeat. Die. kasama si Xian Lim.

Waley pa rin daw kasing paramdam kung itutuloy pa ang nabanggit na serye lalo na’t kapapanganak pa lamang ni Jennylyn na of course, ang priority sa ngayon ay ang kanyang baby at si Dennis.

Leave A Reply

Your email address will not be published.