Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jennylyn ‘di barubal

0 379

Mukhang hindi na mapipigilan pa ang bonggang pagkilos ni Jennylyn Mercado ayon sa kanyang ganda.

Aba, ang Ultimate Star, ang Twitter ang naging perfect platform para ipahayag ang kanyang mga nagmamarkulyong damdamdamin tungkol sa mga isyu at pangyayaring political.

Well, hindi mo naman pwedeng pagdabugan ng bangs ang inamorata ni Dennis Trillo dahil ang bawat kuda at hanash niya, may saysay, katuturan at talagang ikaw ang mahihiyang makipagsagutan sa kanya lalo na kung isa ka sa mga bulag, pipi at bingi sa nagmumurang katotohanan.

Ang panalo pa sa mga paglalahad ni Mercado, hindi bastos, mas lalong hindi barubal, at hindi bordering on the balahura. May sense at sensibility at alam mong matalino at matapang ang babaing sumusulat nito.

Marami nga ang bet na bet ang sagot niya tungkol sa pagmo-move on sa nangyari sa ABS-CBN and she questioned na para lang bang siyota ang station .Sinabi niya kung bakit hindi dapat kalimutan ang kaganapang ito at kung bakit walang puso ang mga taong madaling tinanggap ang pangyayari.

Let us just hope that Jennylyn Mercado can keep this fighting mode and saying the right things na pangmatagalan at pangmalakasan. Huwag sana siyang ma-overwhelm pag dumating ang pagkakataon na ayan na ang troll farms at concerted na ang efforts para siya ipahiya at siraan.

Related Posts

Go for gold ka sa ginagawa mong iyang Bb. Mercado, tunay na kahanga-hanga at kapuri-puri.

Jolina nagluto kahit may sakit

Marami ang natuwa sa post na ito ni Jolina Magdangal-Escueta sa IG: “2 days na akong wala halos nagawa lalo na kanina dahil sa dismenoriya at grabe ang migraine. Ngayon lang nabawasan ang sakit ng ulo ko kaya pinilit ko nang makapagluto para sa kanila. Beef with brocolli and carrot in oyster sauce.”

Marami ang natuwa kasi nga talagang ang pagiging mabait na nanay at mabuting asawa, talagang ingrained na ingrained na sa kanya. Nu’ng she felt well na after her physical bouts, ayun, nakapagluto para sa kanyang pamilya at talagang healthy and hearty meal ang ininihanda niya sa kanilang hapag kainan.

Pinapakita dito na ibang klase talaga ang pagiging super woman ng mga nanay and Jolina is one fine example.

Ang dami na kasing hindi kagandahang ganap kaya ang makabasa ng paglalahad kung saan ipinapakita why mothers are indeed real blessings to all of us, si Mrs. Jolina Escueta ay buhay na patotoo nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.