Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jennylyn ‘di pakakawalan ng GMA

0 118

Tanong ng mga fan, anyare na kay Jennylyn Mercado? May balak ba sa kanya ang GMA 7?

Oh, well, siyempre naman, may balak sa kanya ang Kapuso Network. Hinding-hindi siya pababayaan, pakakawalan ng GMA.

Katunayan, siya agad ang bida sa bagong adventure ng ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’, ang ‘Last People on Earth’.

Makakasama ni Jennylyn si Paolo Contis na subukang iligtas ang human race.

Pero bongga nga ang ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ dahil puno ito ng magic, at action-packed din talaga, na napapalibutan ng kababalaghan.

“Nakakatuwa na finally may new content na maipapalabas ang show, and it’s such an honor to start that out. Expect nila na mapapangiti sila while watching. Sa hirap ng buhay ngayon, minsan kailangan mo talagang malibang sa mga pinapanood mo, at isang halimbawa ang episode naming ito,” sabi ni Jen.

Si Paolo naman ay super saya na nakasama uli si Jen.

“Matagal ko nang naka-work si Jen and it has always been a pleasure. She’s very professional and she knows what she’s doing. Magaan siya ka-work. Masaya and honored din ako na kami ‘yung na-cast sa pagbabalik ng fresh episodes ng Daig Kayo Ng Lola Ko. Napakasaya noong episode. We made sure of that,” say pa ni Paolo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Magkakasalubong nga ang landas nina Angel (Jennylyn), isang tomboyish na local baker, at Migs (Paolo), isang cocky engineer ng bagong resort sa kanilang lugar.

Siyempre, instantly maa-attract si Migs kay Angel. Tumira si Migs sa kanyang nanay na si Selma (Shyr Valdez), na isang mangkukulam.

Sinabihan ni Selma na wag putulin ang mga puno sa ginagawang resort, dahil magagalit ang mga sombras, mga dark creature. Pero, hindi naniwala ang dalawa. At doon nga nagsimulang mambulabog ang mga ito, sa pangunguna ng lider na si Oscura, na gusto ngang burahin sa mundo ang mga tao.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nakainom ang dalawa ng gayuma. At naniwala ang dalawa na pinatay na ng mga sobra ang mga tao, dahil wala nga silang ibang nakikita kundi ang isa’t isa.

So, ano nga ba ang nangyari?

Kasama rin sa episode na ito sina Maxine Medina, Nico Antonio, Skelly.

So tutok na sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko: Last People on Earth’ na dinirek ni Rico Gutierrez, ngayong Linggo, 7:05pm, sa GMA. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.