Abante Tonite Interactive

Jennylyn-Dingdong tuloy ang tambalan

374

Finally, the guessing game is over dahil last Thursday night, kinumpirma nang ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado ang gaganap na Dr. Maxine dela Cruz o Dra. Kang o Beauty sa Pinoy adaptation ng hit Korean drama na “Descendants of the Sun”.

Nag-post na rin si Jen ng kanyang sariling Instagram account nang gabi ring iyon at ipinahayag ang kanyang damdamin sa pagganap na lead actress sa nasabing malaking proyekto.

“Hi everyone. Minsan lang ako magpost about my projects and hindi ko mapigilan ang sarili ko. I am super happy to portray Dr. Maxine De La Cruz of Descendants of The Sun The Philippine Adaptation.

“When I heard they started taping already and preparing for the soap, ako din nacurious kung sino nga ang napili para sa role.

“When I learned that it was me, I was overwhelmed with gratitude for GMA’s trust and also pressured since I know how big this project is,” ang pahayag ni Jen sa kanyang IG post.

Kasunod nito ay nangako ang aktres na gagawin niya ang lahat para magampanan nang maayos ang papel na iniatas sa kanya.

“I promise I would do everything to give justice to the role. I won’t let you all down. Pangako,” post pa ni Jen.

Ayon sa aktres ay hindi raw niya inaasahan na sa kanya ibibigay ang role na Dra. Maxine sa “DOTS”.

Nagsisimula na raw kasing mag-taping ang cast including the leading man, Dingdong Dantes na gaganap na Big Boss, siya ay may “Love You Two” and “Starstruck” pa.

Kaya parang naisip niya rin na baka nga hindi sa kanya ibigay ang role.

First time after so many years na makakapareha ni Jen si Dong sa isang teleserye dahil “Encantadia” pa raw nang huli niya itong makasama.

Sumailalim na rin that Friday si Jen sa isang medical training para maging makatotohanan ang kanyang pagganap bilang isang doktor.

Bukod kay Dong, nauna na ring inihayag ng GMA-7 ang iba pang cast na sina Rocco Nacino, Paul Salas, Jasmine Curtis, Jon Lucas, Lucho Ayala at Prince Clemente.

James pumiyok sa paglayas sa Viva

Binasag na ni James Reid ang kanyang katahimikan sa pag-alis niya sa Viva Group. Ini-release ng ABS-CBN’s push.com ang official statement mula sa lawyer firm ng aktor, ang Kapunan & Castillo Law Office.

“To put an end to all the recent speculation, Mr. James Reid would like to make it clear that, after careful deliberation, he has decided not to renew his contracts with the Viva Group. James greatly appreciates the enormous contribution that has been made by his friends at Viva, especially ‘Boss Vic’ del Rosario and the management group, and expresses his sincere gratitude to everyone at Viva who has contributed to the success of his career in the Philippines’ entertainment industry over the past 7 years,” ang simula ng official statement.

Nakasaad din sa statement na nagpapasalamat si James sa kanyang friends and colleagues sa ABS-CBN, especially Cory Vidanes sa mga naging kontribusyon ng mga ito sa kanyang matagumpay na career, “and assures his fans and supporters that he will continue to dedicate his media activities exclusively to the Network.”

It was also stated na bukod sa sariling music label na Careless Music, nagtayo na rin si James ng family management company na Reid Entertainment, Inc.