Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jennylyn dinugo sa taping

0 310

NI: ARCHIE LIAO

Sa kauna-unahang pagkakataon, ibinahagi ng Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang pagsisimula ng bagong kabanata ng kanilang buhay bilang soon to be parents ng kanilang baby.

Sa vlog ni Jennylyn, ikinuwento niya ang major decision na kailangan nilang gawin dala ng kanyang pagbubuntis.

Inisip din nila na kalooban ng Diyos na hindi na kailangan pang dumaan sila sa proseso ng surrogacy para lamang magkaroon ng anak.

Sa pagbabalik-tanaw ni Jennylyn, sinabi niya na nabahala raw talaga sila ni Dennis nang duguin siya sa taping ng kanyang seryeng Love. Die. Repeat noon.

Ito rin daw ang dahilan kaya nagkaroon daw siya ng medical emergency.

Nasa taping daw siya nang mangyari ang naturang insidente .Nakaramdam siya ng kakaiba sa kanyang katawan lalo na ang kanyang emosyon.

” Sa bigat ng mga eksena ko, napaka-emosyonal, tapos ‘yung physical requirements nu’ng mga eksena… Hindi ko ine-expect na magbi-bleed ako,”salaysay ni Jennylyn.

Dahil sa pangyayari, aminadong nag-alala ang kanyang fiancé na si Dennis Trillo.

“”Kami ang nagdesisyon na pauwiin si Jen, tigil muna ‘yung trabaho para makauwi na siya sa bahay at mas maalagaan siya doon, “sey ni Dennis.

Sa ngayon, nagpapahinga si Jennylyn bilang paghahanda sa kanyang panganganak at sa kanilang kasal ni Dennis.

Leave A Reply

Your email address will not be published.