Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jennylyn inaway ang mga anti-Kapamilya

0 496

Kahit Kapuso si Jennlyn Mercado, binanatan niya ang mga taong nagsasaya sa pagsasara ng ABS-CBN 2.

“Sa mga lumuha at nawalan, our prayers and hearts are with you. Sa mga taong tuwang tuwa sa mga pangyayari, huwag niyo sana danasin ang lumuha din at mawalan,” sey ni Jennylyn sa Facebook post.

Related Posts

“Hindi ba na tinuruan tayo ng ating mga magulang na maging makatao sa kapwa? Rejoicing because of other people’s sorrow is not only wrong, but inhumane. You are cruel,” dagdag niya.

Noong Biyernes matapos ang 13 na pagdinig, in-adopt ng Committee on Legislative Franchises sa Kamara ang rekomendasyon ng technical working group na i-deny ang media company ng bagong prangkisa.

Mayo 5 pa naka-off air ang ABS-CBN nang maglabas ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission laban sa network matapos mapaso ang prangkisa nito. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.