Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jennylyn may balls kesa kay Dennis

0 774

NI: ARCHIE LIAO

Kahit isang Kapuso, very vocal si Jennylyn Mercado na nalungkot siya sa naging desisyon ng 70 congressmen na huwag i-renew ang prangkisa ng Dos.

Para sa kanya, hindi dapat madamay ang mga empleyadong umaasa ng kabuhayan sa network at sana ay isinaalang-alang ito ng mga mambabatas na bumoto ng Yes sa non-renewal ng franchise ng ABS-CBN.

“Naranasan ko na rin ang mawalan ng lahat after giving birth to Jazz. Wala akong trabaho, kaya kahit 1 buwan pa lang siya, umalis ako papuntang Amerika. Kumanta kanta sa mga restaurant dun para may mapadalang pera para sa pamilya ko.

“Those experiences shaped the person that I am now.

“And through those experiences I learned that kindness, patience, and empathy is what makes people human,” bahagi niya sa kanyang Twitter account.”

Dahil sa kanyang pagiging outspoken at palaban sa kanyang mga views, hindi naman tinantanan ng pamba-bash ang aktres lalo na ng mga DDS.

Sa kabila ng mga tinatanggap na pambabatikos, hindi pa rin nagpaawat ang aktres sa pagsasapubliko ng kanyang mga saloobin, keber kung mabansagan pa siyang kritiko ng gobyerno.

Aniya: “I know what I’m risking the moment I speak up. Walang mangyayari if you are playing safe. I will forever be grateful to my advertisers that supported and supports me. The decision to speak up is something that I will never regret.”

“Alam kong suportado ako ng network ko na nagturo sa aking maging matatag at manindigan para sa tama.Hindi ako makakatulog sa gabi kapag alam kong hindi nagamit ang aking boses para ipaglaban ang mga naaapi at nawalan. Hindi kaya ng konsensya ko iyon. Kung gusto ninyo po akong iboycott. Tanggap ko iyon,” dugtong niya.

Isa namang netizen ang nagpayo sa kanya na huwag makisawsaw sa lahat ng problema.

Sey ni jumong888333: “Gusto mo din yata madamay! Gusto mo djb yata mawalan ng trabaho! Sige lahat ng shows mo, endorsement mo, imamarket namin para iboycott!”

Sa labang ito ni Jennylyn, marami namang mga bitchy netizen ang nagtatanong kung nasaan ang kanyang boyfriend na si Dennis Trillo.

Hirit nila, tila raw mas may ‘balls’ pa si Jennylyn kumpara sa boyfie na original na contract artist noon ng Dos bago pa man lumipat ito sa Siyete.

Leave A Reply

Your email address will not be published.