Abante Tonite Interactive

Jennylyn naiyak sa KathNiel

0 1,069

tonite-imo-vinia-vivar
Puring-puri ni Jennylyn Mercado ang ‘The Hows of Us’ movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

“Medyo nagulat ako kasi hindi ko in-expect na ganito siya ka-mature and happy ako kasi ang galing nilang dalawa,” ang pahayag ni Jen nang kunan siya ng review for the movie.

 

Pahayag pa ng Kapuso Ultimate Star, first time raw niyang nakapanood ng KathNiel movie at na-enjoy daw niya talaga.

“Naiyak ako,” sambit pa niya.

Roller coaster of emotions daw ang naramdaman niya habang pinapanood niya ang pelikula at kinikilig din daw siya sa KathNiel.

“Si DJ (Daniel), nakaka-surprise kasi ‘di ba, sanay tayo na nakikita sila na loveteam, na medyo young, teens. Pero ngayon, pinakita nila kung gaano ka-mature ‘yung role,” sey pa ni Jen.

Kahit Kapuso ang aktres, marami naman siyang kaibigan sa Kapamilya network bilang gumawa na siya ng pelikula sa Star Cinema, ang ‘Just the 3 of Us’ with John Lloyd Cruz na idinirihe ni Cathy Garcia-Molina na siya ring direktor ng THOU.

Sa ngayon, pinaghahandaan na ni Jen ang next tele­serye niya sa GMA-7 na hindi pa puwedeng sabihin ang de­talye.