Abante Tonite Interactive

Jennylyn pakakasalan ni Dennis

241

Napanood namin sa “Sarap ‘Di Ba?” ang hula ng fortune­teller na si Mr. E para sa ilang mga Kapuso celebrity at isa na rito si Jennylyn Mercado. Nagbigay ng kanyang prediksyon ang manghuhula sa kalusugan ng Ultimate Star.

“Ang kailangan lang ni Jennylyn ay huwag pagurin ang sarili dahil umuulit ang isa niyang sakit,” pahayag ni Mr. E.

Hindi naman tinukoy ng fortuneteller kung anong sakit ito pero ang alam lang naman naming madalas inirereklamo ni Jen ay ang kanyang sakit ng ulo at ang fatigue na rin sa sunod-sunod minsan na trabaho.

Pero sa lovelife, ayon sa manghuhula ay masu­werte raw si Jen dahil pakakasalan ito ng mahal nito na as we all know ay si Dennis Trillo, mayroon pa bang iba?

Well, let’s see kung magkakatotoo ang hula na mag-aasawa na si Jen this year.

Samantala, sa ngayon ay naghahanda na ang aktres sa pagsisimula ng shooting ng bago niyang pelikula sa Star Cinema with Richard Gutierrez and JM de Guzman.
***

Heart, Chiz makakabuo ng baby

Ang hula naman kay Heart ay magkakaroon na raw ito ng baby this year sa kanyang asawang si Sen. Chiz Escudero.

“Magkaka-baby ka, Heart. Kasi, possible, ito ‘yung give ng God sa kanya sa sobra niyang pagdasal. Good luck, Heart,” sey ni Mr. E.

Well, sana naman nga at posible naman talaga na magbuntis siyang muli bilang 33 years old pa lang naman siya.

Samantala, umalis ng bansa si Heart kahapon base na rin sa IG post niya at mukhang ito na ‘yung secret project na gagawin niya na ipinost niya recently.

Walang inilagay si Heart sa post niya kung saang bansa siya pupunta pero ang hula ng mga netizen ay sa China para mag-shooting ng Crazy Rich Asians part 2 or baka raw ang isa pang nobela ni Kevin Kwan na China Rich Girlfriend.
***

Kris ayaw ng areglo kay Falcis

Inamin ni Kris Aquino na mali siya na isisi sa dating business mana­ger ang kanyang pagkakaroon ng sakit dahil truth is, since 21 years old pa lang siya ay mayroon na siyang allergy attacks.

“ i was wrong to cast blame on my former business manager for my condition- obviously even at 21 years old when my severe allergic reaction to menstrual pain medicine had doctors asking my sister, viel to sign the consent for an emergency tracheotomy, and the very difficult time while pregnant & giving birth to bimb at 36- hea­ven already gave me a bonus because most of my symptoms had remained dormant until late 2014 when my hypertension started,” ang bahagi ng Instagram post ni Kris.

Nilinaw rin ng social media queen ang tungkol sa financial issue na kinakaharap ngayon. She revealed for the first time na P40M ang involved na pera sa usaping ito.

“Allow me to clarify the financial issue, i asked for an accounting of ₱40M invested for my sons, and financial reports for our 12 Potato Corner+Nacho Bimby branches and my lawyers & i were ignored,” post niya.

Inilahad din niyang may tumawag din sa lawyer niyang si Atty. Nilo Divina at tina-try pa ring ayusin ang problema sa kanila ni Nicko Falcis.

“The lawyer of my former manager’s MENTOR had contacted Dean Nilo Divina today and asked if the 2 of them could talk about a settlement. To him i say, “Maswerte ka, there’s a man who sees you as his own son.” i believe this was out of his own volition, and my respect for that man’s integrity grew even more. Hindi nya kadugo pero tinaya nya ang reputasyon nya. To that man i say, on hindsight, had you and my Ate only spoken in September, we’d have had peace,” pagtatapos pa ng post ni Kris.

Base sa pahayag ni Kris, hindi na siya pumapayag sa areglo ngayon at tila huli na raw ang lahat.