Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jennylyn pinagkakitaan ang panganganak

0 76

NI: CRISTY S. FERMIN

Pansamantalang itinago nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang mga markadong kaganapan sa kanilang buhay. Nang magdalantao si Jennylyn, nang magpakasal sila, nang manganak na ang aktres.

Hindi muna sila nagsasalita, walang puwedeng kausapin mula sa kanilang kampo, pero sila rin ang naglalabas ng detalye sa pamamagitan ng You Tube vlog ni Jennylyn.

Tulad nitong huli, April 25 pa nanganak si Jennylyn sa baby girl nila ni Dennis, pero walang anumang ingay tungkol sa napakagandang pangyayari sa kanilang buhay.

Si Angeline Quinto ang nag-ingay nang manganak ang singer-actress nu’ng April 27, ni ha ni ho ay wala pa ring nanggaling kina Dennis at Jen, nanatili lang silang tahimik.

Pero walang dapat ipagtampo ang mga tagahanga ng mag-asawa, pati ang mga Marites na matagal nang nag-aabang, detalyado nilang malalaman ang mga naganap sa labor at operating room kapag na-edit na ang vlog ni Jennylyn.

Nakabantay si Dennis sa panganganak ni Jennylyn, maligaya ang aktres sa nangyari dahil nang una itong manganak ay wala naman si Patrick Garcia, pinadali ni Dennis ang proseso para kay Jen.

Natuto na nga ang mga personalidad. Ginagawa nilang content sa kanilang vlog ang mahahalagang pangyayari sa kanilang buhay. Pinagkakakitaan na nila ‘yon ngayon.

Parang kabuteng nagsusulputan ang mga vlogs ng mga artista sa You Tube. Kontrolado nila ang paglalabas ng mga kuwento tungkol sa kanilang personal na buhay. Nahuhuli na ang mga reporters ngayon dahil itinatago na ng mga artista ang mga detalye ng kung anumang nagaganap sa kanila.

Maganda nga namang pagkakitaan ang You Tube. Para na rin silang may ginagawang proyekto habang pandemya dahil mas mataas ang kanilang views ay mas malaki ang kanilang kita.

Leave A Reply

Your email address will not be published.