Abante Tonite Interactive

Jennylyn nanggigil ang lips ni Coco

4,741

In fairness ay aliw ang trailer ng 2019 MMFF movie ni Coco Martin na “3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.”

May eksenang si Jennylyn Mercado pa ang humalik sa lips ni Coco at sinabi nitong masyadong mabilis si Jen at nagti-take advantage sa kanya.

“Ang tagal mo, eh!” sagot ni Jen.

Nag-disguise na naman ng girl si Coco sa movie, na nakakawilihan nitong gawin mapaserye o mapapelikula.

Sa ending ng trailer ay kiniss ni Coco sa lips si Jen kahit naka-girl ito.

Ang cute nu’ng reaksyon ni Jen na, “Sissy, bakit mo ako hinalikan?”

tapos ay dinugtungan nito ng, “Pero in fairness, may spark!!” tapos ay nag-high five sila.

Nakakahawa ‘yung tilian ng dalawa, na bigay na bigay rin si Coco, na siyang nagdirek ng pelikula as Rodel Nacianceno.

Si Sam Milby ang kontrabida rito at guest ang in demand sa guesting na si Yorme Isko Moreno.

Lumabas na rin ang teaser ng “M&M: The Mall, The Merrier” nina Anne Curtis at Vice Ganda.

May sampalan ang dalawa at may umaatikabong fight scene na lumilipad sila sa ere.

May trailer na rin ang isa pa sa inaasahang maghi-hit sa MMFF this year na “Mission Unstapabol: The Don Identity” ni Vic Sotto.

Heist movie ito na kakampi ni Bossing sina Pokwang, Maine Mendoza at Jake Cuenca.

Si Jose Manalo ang kontrabida. May eksena si Wally Bayola na nag-Daniela Mondragon ito, tapos ay ginaya nito si ‘You do note’ girl.

In fairness ay parang ang guwapo ni Jake Cuenca sa pelikula at hindi siya kontrabida for a change. Si Direk Mike Tuviera ang direktor ng filmfest entry ni Bossing.

Piolo pasado kay Maricel

Si Piolo Pascual ang palaging ginagawang ehemplo ni Maricel Soriano sa mga bata at baguhang artista.

Nu’ng ginawa kasi nila ang pelikulang “Mila” (2001) ay napaka-professional daw ni Piolo at very punctual. Lagi raw nitong dala-dala ang script at nagme-memorize at walang ibang kinakausap.

Kaya ang sinasabi raw ng Diamond Star sa ibang artista ay tularan ang attitude na ‘yon ni Piolo.

Ang sey ni Marya, ang sinasabihan niya ng ganu’n ay ‘yung mga batang artista na open, pero ‘yung mga hindi ay hindi na rin.

Deadma raw siya sa mga may attitude, pero ‘pag nakita niyang okey ay siya pa ang nagri-reach out.

Sa shooting nila ng horror movie na “The Heiress” ay kinakausap niya raw ang young co-stars niyang sina Janella Salvador at McCoy de Leon at nakikinig daw ang mga ito kaya masaya sila sa set.

Tinanong namin si Ms. Mary kung may female counterpart ba si Piolo na nagmarka rin sa kanya nu’ng makatrabaho niya. Meron daw, pero hindi niya maalala nu’ng time na ‘yon.

Basta, siya raw mismo ay na-amaze sa punctuality ni Piolo at ginawa niya raw itong peg. Tila kinilig pa ang Diamond Star nang mabanggit si Piolo.

Ang dayalog nito, “Nako, okey na okey sa akin basta si Papa P! Love ko ‘yon, eh!”

Si Direk Frasco Mortiz ang direktor ng “The Heiress” na very Pinoy horror daw, hindi mabagal at tama lang ang pacing. Tatak Regal Films daw ito na modern.

Happy ang anak ni Direk Bobot Mortiz sa kinalabasan ng pelikula at ilang MMFF juror daw mismo ang pumupuri sa movie nila, sayang lang at hindi ito nakapasok sa 8 entries.

Hit ang huling dinirek ni Frasco, ang “Pagpag” horror movie ng KathNiel na nag-MMFF din nu’ng 2013.

Thankful si direk na may playdate na agad ang “The Heiress” at mapapanood na ito sa mga sinehan sa Wednesday, November 27.