Abante Tonite Interactive

Jennylyn, POKEMON ng puso ni Dennis

By
12

ITSURA ng nakahuli ng Pokémon sa Pokémon Go si Dennis Trillo sa tamis-tamisan post niya sa Instagram na, “I found you,” na nakatalikod si Jennylyn Mercado sa pic, habang nasa loob ng grocery o convenience store.

Mga ganu’ng simpleng pa-sweet ay sobrang kilig na ang JenDen fans na botong-boto sa dalawa.

Hindi ma-post sina Jen at Dennis ng mga swit-switan moments nila sa social media, pero may mga sundot na ganu’n paminsan-minsan.

Si Dennis ay nakita namin one time sa Snapchat ni Jen na nilalaro nito ang pet dog ni Jen na si Red.

Napansin namin na nakapambahay lang si Den, na kung sa house ‘yon ni Jen ay iisipin mong parang doon din ito nakatira.

Binanggit namin ‘yon kay Dennis nang huli namin siyang makatsika sa taping ng Juan Happy Love Story, pero tumawa lang siya.

Hindi naman siguro siya nakatira du’n sa place ni Jen, puwedeng dumalaw lang siya o posible rin namang nag-sleepover siya.

Wala raw Snapchat si Den kaya kinukunan lang siya ni Jen ng Snaps minsan.

Paboritong kunan ni Jen sa Snapchat ang mga angels niya, na madalas ay nagtatawanan lang sila at nagkukulitan.

Nakita rin namin sa Snaps ni Jen ‘yung 8th birthday kamakailan ng cutie pie son niya kay Patrick Garcia na si Jazz.

Mukhang mahilig mag-Pokémon Go ang bagets kaya sa cake nito ay may isang malaking Poke Ball na may nakatuntong na Pikachu.

Pati ‘yung giveways niya na neck pillow at iba pang party favors ay panay Pokémon Go ang design.

Dennis Trillo
Dennis Trillo

Nagsimula nang mag-taping si Jen ng ihu-host niyang bagong Kapuso show na Superstar Duets, na celebrities ang maglalaban-laban sa kantahan.

Magpapa-audition pa ang GMA ng magiging leading man niya sa Pinoy adaptation ng hit Koreanovelang My Love from the Star.

Si Dennis ay may Juan Happy Love Story na medyo malapit nang magtapos sa ere at busy rin ito sa shooting ng movie nila nina Anne Curtis at Paolo Ballesteros na Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend?.

Kahit parehong bisi-bisihan ay nakakahanap pa rin ng time ang mag-sweetheart para magtamis-tamisan.

Si Jen ang Pokémon ng puso ni Dennis!

SABEHH??!!