Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jennylyn proud sa katawan

0 625

NI: VINIA VIVAR

Sa pagdiriwang ng kanyang ika-34 na kaarawan last May 15, nag-post si Jennylyn Mercado ng kanyang old and new photo sa Instagram.

Ang lumang larawan ay kuha noong 23 years old pa lang siya (2 years after giving birth to her son, Alex Jazz) at ang isa naman ay latest photo ngayong 34 years old na siya.

Sa caption ay pinaalalahanan niya ang kanyang mga followers na mahalin ang sariling katawan sa bawat life stage na dinadaanan.

“Swipe left to see me two years after giving birth and then swipe back to see me now at 34. Sharing these photos because I love me then, and I love me now — weight changes, pregnancy, motherhood, and everything that comes with it!

“Celebrate your body at every life stage because it’s unique, natural and it’s beautiful,” ang pahayag ni Jen.

Minsan nang inamin ng Kapuso Ultimate Star sa isang post na napakarami na niyang narinig na komento sa kanyang katawan in her many years of being in the industry.

“Sa 17 years ko sa industry, sobrang dami kong narinig na comments about my body, kesyo hindi ganito at hindi ganyan. Nakakapagod na!

“I’m so tired of hearing how women should move, act, and look like. ‘Kapag babae dapat…,’ ‘Babae ka pa naman…’ aniya.

Panahon na raw para itigil ang mga panghuhusga, pangungutya at pangmamaliit sa mga babae.

“This 2021, let’s put an end to these toxic sexist comments. Let us show support to one another and to every Filipina by campaigning to be free of expectations set by our society.

“Tama na ang panghuhusga, ang pagkukutya, at pagmamaliit,” saad ni Jen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.