Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jennylyn, Rhian nagtukaan

0 346

NI: ALWIN IGNACIO

Hindi naman grabehan ang tukaan nina Jennylyn Mercado at Rhian Ramos sa “I Can See You: Truly, Madly, Deadly” pero siyempre pa marami pa rin ang shookt.

Sa mga sanay na manood sa mga programa na drama sa ibang bansa, “wholesome” pa ngang matatawang ang eksena ng dalawang mahusay na Kapuso actresses. Siguro kung mahaba ang kissing moment tapos may dila pang nag-eskrimahan baka mas marami ang tulirong-tuliro at nahibang.

At kung ganun nga ang kaganapan, sana maging regular fixture na ang same sex kissing sa Kapuso dramas .Marami kasi ang feeling deprived na ang mag-beh dati sina Vincent at Eric na binigyang buhay nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo sa “My Husband’s Lover” walang naganap na on-screen tukaan.

Times have indeed change at tunay na progressive ang ganitong kaganapan sa Kapuso station shows.

Leave A Reply

Your email address will not be published.