Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jennylyn sa gobyerno: Anong plano?

0 538

RP

Tuloy-tuloy ang banat ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado sa gobyerno.

Sa tweet ni Jennylyn, tinanong nito sa mga nasa pwesto kung ‘ano na ba talaga ang plano’ sa kabi-kabilang problema na kinakaharap ng mga Pinoy.

Isa na rito ang libong nawalan ng trabaho dulot ng pagkait ng prangkisa ng 70 kongresista sa ABS-CBN, kasama na rin ang daing ng mga medical worker dahil sa dami ng mga COVID-19 positive sa bansa.

Related Posts

“Milyong milyong Pilipino ang nawalan na ng trabaho dahil sa pandemya at sa desisyon ng mga may kapangyarihan,” saad ni Jen.

“Libo libo na ang nagkakasakit at overcapacity na ang mga hospital. Pagod na pagod na ang ating mga bayaning medical frontliner,” aniya pa.

Ilang ospital na sa Metro Manila ang hindi tumatanggap ng COVID-19 patient dahil full capacity na, habang sa San Lazaro Hospital naman ay nagsagawa ng silent protest ang mga nurse para ireklamo ang umano’y kulang na pasweldo at proteksyon laban sa virus.

Leave A Reply

Your email address will not be published.