Abante Tonite Interactive

Jennylyn sumabak sa taping kahit may lagnat

0 493

Ngayong araw (Saturday) ang alis ni Jennylyn Mercado for Dubai for a well-deserved birthday vacation. She’ll be celebrating her natal day on May 15 habang ang boyfriend naman niyang si Dennis Trillo ay sa May 12.

Bago umalis ay nag-treat si Jen sa production ng serye niyang “Love You Two” kagabi. Nagpa-cater siya ng dinner sa set bilang double celebration na rin dahil sa tagumpay ng serye na ilang gabi nang panalo sa ratings ng NUTAM People Ra-tings (Nielsen Philippines TAM).

One week magbabakasyon si Jen sa Dubai at noon pa’y pinaalam na niya ito sa management, na pumayag naman agad. Medyo matagal-tagal na rin kasing hindi nakakapagbakasyon ang Kapuso Ultimate Star dahil na rin sa sunod-sunod ang trabaho. Kahit noong nakaraang Holy Week nga ay hindi siya nakapagbakasyon dahil sa LYT.

Masayang ipagdiriwang ni Jen ang kanyang kaarawan dahil nga sa magagandang blessings na dumadating sa kanya at magandang birthday gift na rin ang mainit na pagtanggap ng mga tao sa serye nila ni Gabby Concepcion.

By the way, habang nagti-taping si Jen the other night ay nilalagnat siya pero kahit may sakit ay work pa rin siya since aalis nga siya.

Sa Instagram post ni Gabby, pinuri niya ang leading lady sa sipag nito. Nag-post siya ng picture nilang dalawa at sa caption, aniya, “Another wonderful day with Raffy Batungbakal. Kahit linalagnat na, maganda pa rin. Malaki pa ngiti. Parang wala lang. Sipag ni Idol @mercadojenny.
***

Gretchen emosyonal sa sorpresa ni Claudine

Matapos magkabati noong nakaraang Marso, sobrang sweet naman ngayon ng magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto. Madalas silang magkita at magpadalahan ng mga kung ano-anong gift sa isa’t isa.

Tulad na lang nga kahapon, sobrang nakaka-touch ang video na ipinost ni Claudine kung saan ay makikitang sinorpresa niya ang ate at binigyan ng Mother’s Day gift.

Related Posts

Makikita sa video na matapos ibigay ni Claudine ang regalo ay nagyakap sila nang matagal at mahigpit to the point na parang naging emosyonal pa si Greta.

Sa caption, pahayag ni Claudine, “Happy Mother’s dayin advance.thank u for always cooking my favorite food & making me laugh till my tummy hurts.your a wonderful Mom,Sister,Best friend etc.i can go on & on.i luv u so much.”

Pati ang mga friends and followers nila ay halatang na-touch sa video at ang gaganda ng komento nila.

Isa sa nag-comment ay ang asawa ni Gary Valenciano na si Angeli Pangilinan-Valenciano. Sey niya, “so wonderful to see you both this way again, love you both.”

Ang dami ring nagkomento na naiyak sila sa touching moment ng magkapatid.
“Bat ako naiyak nong niyakap ni Gretchen si Claudine? I saw the sincerity on Gretchen’s eye,” ang isang komento na nabasa namin.
***

Ken-Rita waging best lead performer sa ‘Tanglaw’

Masayang-masaya si Ken Chan sa pagkakapanalo nila ni Rita Daniela ng Best Lead Performance in a TV Series para sa serye nilang “My Special Tatay” sa katatapos lamang na 17th Gawad Tanglaw Awards.

Sa kanyang Instagram account ay nagpasalamat si Ken sa natanggap na parangal.

“Isang karangalan ang mapabilang sa mga nagwagi para sa Gawad Tanglaw ‘Best Lead Performance in a TV Series’. Sabi ko nga hindi madali ang trabaho ng mga aktor sa industriyang ito pero dahil sa mga ganitong klaseng pagkakataon na kami’y mabigyang pansin ay nakakalakas ng loob at ito ay nagsisilbing inspirasyon para sa amin. Maraming salamat Gawad Tanglaw at sa lahat ng bumubuo nito at sa lahat din ng bumubuo sa My Special Tatay para sa inyo ito! Aubrey, Akap!” ang caption ni Ken.