Abante Tonite Interactive

Jennylyn type nang masundan si Jazz

By
5,556

Halatang tuwang-tuwa si Jennylyn Mercado sa two-year old daughter ni Empress Schuck na si Athalia. Naka-post sa Instagram story ang pamamasyal nila kasama ang anak niyang si Jazz last Saturday night.

         Hiniram ni Jen ang inaanak for an overnight stay at Okada Hotel. Sa video post ay makikitang namamasyal sila sa vicinity at nanood pa ng dancing fountain nun’g gabi.

         Kagabi ay sa Solaire Resort Hotel naman sila nagpunta.

         Sa nakikita namin kay Jen, mukhang sabik na rin siya for another baby na hindi naman kataka-taka dahil malaki na rin naman si Jazz. Plus noon pa naman talaga ay mahilig na siya sa bata.

         Sooner or later naman talaga ay kailangan niya nang sundan ang kanyang panganay unless settled na siya sa isa lang which we doubt.

         Hindi na rin naman siya bumabata kaya hindi na rin kami magtataka if in the near future ay mag-decide na siya to have another baby.

         But not anytime soon dahil may kontrata pa siya sa GMA-7. At ang dami pa niyang naka-line-up na commitment.

         Sa ngayon, ginagawa na ni Jen ang “The Cure ” na bagong drama series niya sa GMA-7 kung saan ay first time niyang makapareha si Tom Rodriguez. Malapit na rin ang airing nito.

         May gagawin din siyang pelikula sa Reality Films na horror naman na wala pang schedule kung kelan niya sisimulan pero ang alam namin ay within the year din.

 Yam nagka-amnesia sa naging relasyon nila ni Ejay

           Hindi na masyadong maalala ni Yam Concepcion ang naging relasyon nila ni Ejay Falcon kaya biniro siyang “amnesia love” na ang tawag dito na as we all know ay title ng bagong movie nila ni Paolo Ballesteros.

         Ayon kay Yam ay matagal na raw kasi ‘yun, ‘Dugong Buhay’ days pa, ang teleseryeng unang pinagsamahan nila at kung saan nga sila nagka-develop-an.

         “Matagal na kasi ‘yun, eh. So, parang oo nga, nagka-amnesia love ako, nakalimutan ko na rin,” natatawa niyang sabi.

         Basta dahil magkasama lang sila that time sa ‘Dugong Buhay’ kaya na-develop ang feelings nila at hindi naman ‘yung matatawag na malalim na relasyon.

         “It wasn’t anything deeper, you know. Kasi siya ‘yung pinaka-unang nakapartner ko. So, parang. . .siyempre, ang daming nagtutukso. So, ako naman, nadala.

“Na-carry-over ko rin ‘yung karakter ko sa “Dugong Buhay” kasi puro halikan, puro sexual tension ang hinihingi, so ayun,” pagre-recall na rin ni Yam.

Okay naman daw sila ni Ejay at nagkatrabaho na nga sila sa ‘ FPJ’s Ang Probinsyano.’

Sa ngayon ay happy na rin naman si Yam sa non-showbiz boyfriend na naka-base sa  US. Three years na ang relasyon nila at kahit LDR (long distance relationship) ang drama nila, nakakayanan naman daw nila.