Abante Tonite Interactive

Jeong Jinwoon, Kyungri 2-taon magdyowa

133

Dalawang taon na palang may relasyon ang miyembro ng 2PM na si Jeong Jinwoon at ang former member ng 9Muses na si Kyungri.

Noong March ng taong ito ay nag-enlist si Jinwoon sa kanyang mandatory military service. Pero ayon sa source, tuwing may break daw from military ang singer, spotted ito na kasama si Kyungri.

Sabi ng isang industry’s source, “Every time Jeong Jinwoon was on break from the military, he enjoyed public dates with Kyungri without minding other people’s attention. They’re serious about each other.”

Noong una ay sinagot ng agency ni Jinwoon, ang Mystic Story, ang report na inaalam pa raw nila kay Jinwoon. Medyo mahirap daw makumpirma dahil kasalukuyan nga itong naka-enlist.

Pero kahapon, November 13, kinumpirma na ng Mystic Story na since late 2017 ay dating na ang dalawa.

Narito ang official statement ng Mystic Story:

“Here is our statement regarding Jeong Jinwoon’s dating news that was reported today.

“Jeong Jinwoon and Kyungri became close acquaintances after working in several programs together, and they are seeing each other with positive feelings since late-2017.

“We hope you will look upon them warmly. Please support them, as Jeong Jinwoon will diligently serve in the military while Kyungri will continue to appear on broadcasts.”

Sa isang banda, noong December 2017 ay nag-collab pa ang dalawa. Sina Jeong Jinwoon at Kyungri ay nag-release ng duet track titled “White Christmas”. Lumabas din sila sa Comedy TV’s variety show “Guys Who Buy New Products” (literal title) together.