Abante Tonite Interactive

Jerald mas daks kay Empoy

By
2,743

Funny is the new pogi kaya pasok sa banga ang mga kagaya ni Jerald Napoles, na bida na sa pelikulang ‘The Write Moment’.

Si Empoy Marquez ang nagpauso ng trend na plain-looking leading man sa blockbuster hit na ‘Kita Kita’.

Nang tanungin namin si Jerald kung anong lamang niya kay Empoy, ang sagot niya ay borta siya, may abs at saka mas daks, sabay tawa.

Fan daw siya ni Empoy, na nakatrabaho na niya dati at sobrang good vibes lang daw nito.

Mas guwapo naman siya kay Empoy, ‘di ba?

“Talaga ba? Uy, friend ko ‘yon si Empoy. Love ko ‘yon,” sey ni Je.

Wish niyang mag-hit din ang ‘The Write Moment’ nila ni Valeen Montenegro gaya ng movie ni Empoy with Alessandra de Rossi.

Unang lead role ito ni Jerald sa movie, tapos ay ang ganda ng partner niya. Mismong nanay daw niya ay hindi naniniwala na bida na siya dahil sanay itong lagi siyang best friend.

Magkasama sila ni Valeen sa ‘Sunday PinaSaya’ at sa totoong buhay ay sobrang close sila, na puwede silang umutot sa harap ng isa’t isa.
Aminado si Je na na-attract siya dati kay Val dahil ang ganda nito at parang pumopogi siya ‘pag magkasama sila. Nang maging close sila ay hindi na raw umabot sa pagnanasa, so nang magdikit sila ay konting kislot na lang ang naram­daman niya.

Hirit ng Kapuso comedian, ang suwerte ni Valeen na nakahalikan siya nito sa movie. Interracial romance daw ang peg nila dahil sa puti ni Val at sa itim niya.

Meron silang semi-love scene, sabi ni Je, pero ang sabi ni Valeen ay hindi lang semi dahil nag-reshoot pa sila para rito.

Believe it or not ay naging leading lady ni Jerald si Marian Rivera (sa fantaseryeng ‘Super Ma’am’). Pangarap niya rin daw makatrabaho sina Judy Ann Santos, Kris Aquino, pati na si Liza Soberano.

Walang lovelife ang afamistang si Je. After siyang iwan ng huling niya girlfriend na French ay nagkaroon siya ng career, kaya focus daw muna siya sa trabaho.

Viva Films ang nag-release ng ‘The Write Moment’ na nagsimulang ipalabas kahapon sa mga sinehan nationwide.

\Ang busy ni Jerald dahil may tatlo pa siyang ginagawang pelikula. Ang indie surfing movie na ‘Mina-Anud’ na bida si Dennis Trillo, ‘Ang Pangarap Kong Holdap’ with Paolo Contis and Pepe Herrera, at ang ‘Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka’ with Alessandra de Rossi na si Alwyn ­Uytingco ang producer at writer-director si Fifth Solomon.