Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jerald nagwalwal sa unang nakapatay ng My way

0 175

Sa virtual mediacon kahapon ng pelikulang Ikaw at Ako at Ang Ending, nai-reveal ng lead star na si Jerald Napoles na nakainuman niya pala noon ang taong nakapatay dahil sa kantang My Way.

Sa pelikula ay isang hit man kasi ang role ni Jerald kaya natanong siya kung may nakilala na ba siyang hitman sa totoong buhay.

“Nakainuman ko ang unang taong nakapatay dahil sa kantang My Way,” pag-amin ni Jerald na laking Tondo.

“Pero hindi naman namin napagkuwentuhan ‘yun at wala namang problema sa ‘yo ‘yung tao, wala ka ring problema sa kanya. Marunong makisama,” tsika ni Jerald.

SM food to go Banner Ad

Ang nagkuwento raw sa kanya ay hindi naman mismo ‘yung taong ‘yun kungdi ‘yung ibang nakainuman din nito.

“May mga nagkuwento dahil gustong magyabang pero kakaunti ang nagyayabang ng mga ganyang bagay,” kuwento ni Jerald.

Sa pelikulang Ako at Ikaw at Ang Ending ay kasama ni Jerald ang kanyang real-life dyowa na si Kim Molina .Sa trailer pa lang ay grabe ang mga love scenes nila’t mukhang punong-puno rin ng suspense at action ang movie. Sey nga nila, first time raw nilang gawin ang mga eksenang ginawa nila rito.

Talaga namang taon ng KimJe ang 2021 dahil pangalawang movie na nila ito for this year. Mula sa kanilang unang successful na team up sa pelikulang “Ang Babaeng Walang Pakiramdam”, ngayon naman ay nakatrabaho nila ang romantic movie hit maker na si Direk Irene Emma Villamor.

Panoorin ang Ikaw At Ako At Ang Ending sa August 13, streaming globally sa ktx.ph, iWant TFC, TFC IPTV at sa VIVAMAX.

Leave A Reply

Your email address will not be published.