Abante Tonite Interactive

Jeremy, Kawhi ‘di mapaghiwalay

0 423

Mula San Antonio, Toronto hanggang sa Los Angeles, ‘di nahiwalay kay Kawhi Leonard ang kaibigan niyang si Jere­my Castleberry.

Kung may best friends for life, sila na siguro ‘yun.

Magkaibigan ang dalawa mula pa high school, pareho pa silang naglaro sa iisang basketball team.

Teammates din sila sa San Diego State University. Nang umakyat ng NBA si Kawhi, sinundan siya ng kaibigan. Naging miyembro si Castleberry ng staff ng Spurs, nang malipat si Leonard sa Raptors ay tangay-ta­ngay pa rin siya.

Nakabuntot lang si Castleberry kay Leonard, kundi sa kapasidad bilang player development ay video coordinator.

Nang lumipat si Kawi sa Los Angeles, kinuha rin ng Clippers si Castleberry sa coaching staff.

“I’m told Jeremy Castleberry, close friend to Kawhi Leonard, will be an assistant coach on #Clippers staff…” tweet ni Jabari Young ng The Athletic.

May mga umiikot na biruan na nga raw na gumawa ng paraan si Clippers owner Steve Ballmer para mapasaya si Leonard, at ‘yun ang pagkuha kay Castleberry. (VE)