Abante Tonite
Mabilis sa Balita

JerGer gulat sa bawi parusa kay Senining

0 261

Gulantang sina Philippine Basketball Association legends Jerry Codinera at Gerry Esplana sa naging pagbawi ng Pilipinas VisMin Super Cup organizer sa sanction kay ARQ Builders Lapu-Lapu player Rendell Senining.

Binatikos sa kaliwa at kanang kamay na free throw shooting ang cager sa laban ng team kontra Siquijor Mystics noong April 14 kaya nilatiguhan ng season-long suspension kalakip ang P30,000 fine sa pambababoy sa sport.

Pero agad binawi ito noong isang linggo ni league COO Rocky Chan at binigyan lang tatlong kondisyon ang 25-year-old hoopster.

“Well, unang-una nagulat ako. It’s very premature ang pagkaka-lift ng suspension. I’m okay with the giving a player a second chance pero siyempre sana there should be a review sa organizers ng liga,” ani Codinera sa Man to Man with JerGer segment ng Abante Sportalakan kasama si Sarah Jireh Asido Lunes.

Inayunan siya ni Esplana at hinalimbawa ng dalawa ang naging kaparusahan ni former UST coach Aldin Ayo na ‘indefinitely ban sa UAAP at ang ang 16-month suspension ni Calvin Abueva sa PBA ginugol ng mga ito. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.