Abante Tonite Interactive

Jeric gustong ipa-hazing ang nagkalat ng scandal video

By
1,489

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioMasayang-masaya ang dating Kapuso Protege winner na si Jeric Gonzales. Bakit kaniyo? Kung dati neither here nor there ang kanyang karera, ngayon isa lang naman siya sa tunay na bida sa Ika-5 Utos, ang bagong pangmalakasang drama mula sa Kamuning network.

Ano nga ba meron ang isang Jeric Gonzales at pumasa siya pihikang panlasa at pamantayan nina direk Laurice Guillen at Lore Reyes? Ang kanyang maagap na tugon, “Siguro po dahil fit sa akin ang role at dumaan rin kami sa workshop, tingin ko yun ang pinagbasehan nila.”

Ang impresyon ni Gonzales sa award winning film director, “Si direk Laurice, strict siya. Passionate siya sa ginagawa. Wala siyang pakialam kung close kayo or what. Pag mali ang ginawa mo o hindi mo nagustuhan, sasabihin niya talaga sa iyo.”

Kuwento pa niya, “Siya, hahayaan niya muna na assistant director niya ang mag-remind sa iyo. When the time comes na bumaba na siya mula sa OB Van, ask niya kung may problema ka at bakit ‘di mo magawa. Naranasan ko lang na bumaba siya to talk to me. Marami kasi mahihirap na eksena. Nag-i-expect siya makukuha mo ang eksena kahit na mahirap at nariyan siya para tulungan ka.”

Dahil may ilang eksenang hazing sa kanilang drama, ang diva that you love, tinanong sa guapong aktor kung gusto niya bang ipa-hazing ang nagkalat ng alleged video niya? “Hindi ko na inalam bakit nila ginawa iyon. Diyos na lang ang bahala sa kanila. Nalaman ko ‘yun thru the internet. May nagsabi sa akin. Nakita ko. Hindi naman ako ‘yun. I am sure.”

O, ayan ha. Kwentas claras na ang isyung iyan. Sa trailer na ipinakita para sa kanilang afternoon prime drama, mag-nanay sila ni Jean Garcia at sa true lang, para talaga silang mag-ina, huh!

Bulalas ni Jeric, “Si Ms. Jean talaga, walang kupas! Hindi ko alam kung paano niya ginagawa na parang ang dali lang pero maganda lumalabas. Nakaka-amazed. Nagka-work na kami sa Kambal Karibal kaya maganda na ang working relationship namin. Pagdating dito nung naging nanay ko na siya, nagugulat ako kasi yung mga eksena namin, ang dali namin nagagawa. Ang aga namin nakakauwi.”

Inamin namin kay Gonzales na dati, sobrang fan kami ni Ken Chan sa Destiny Rose at umaasa kami na pangmatagalan ang kanilang love team.

Ngayon naman, dapat ba kaming manalig na ang love niya sa totoong buhay ay si Pauline Mendoza?

Walang halong pag-iimbot at buong katapatang sagot ni Jeric, “Close naman kami pero hindi naman romantic, she’s only 18 years old, ako 25 na.”

Hihintayin mo ba siya maging 20? “Hindi, walang ganoon, walang possibility of romance kumbaga tulungang lang.”

Pagtatapos ni Jeric, “Pag naalaala ko ang pinagdaanan ko, nga­yon nandito na ako where I wanted to be. Pangako sa lahat ng mga manood sa Ika-5 utos, mai-in love kayo sa akin bilang anak, bilang kaibigan, bilang syota. Masayang-masaya po kasi ito ang matagal ko nang hinihintay. Bida na rin ako.”

 

 

TOFarm Filmfest nagtitipid

 

 

Katataka-taka at kahibang-hibang na ang figure head ng TOFarm Film Festival 2018, si Dr. Milagros Ong-How, conspicuously absent sa press payanig para sa nasabing festival na nasa ikatlong taon.

Adding another veil of mystery, kung dati-rati ay sa yayamaning hotel ginaganap ang meet and greet with the press, sa mas maliit na restaurant nangyari ang media conference with two handfuls of press in attendance.

Dati rin, lahat ng major cast members sa mga pelikulang kalahok, in full force ang pagdating at pakikipagdaupang palad at kuwentuhan sa media members, ngayon mangilan-ngilan lang ang dumalo.

At parang mas maikli ang promo time, dalawang linggo bago mag-festival nangyari ang press conference samantalang noong si the late direk Maryo delos Reyes ang festival director, a month before ang press shindig.

Thus I cannot help but wonder, may downsizing bang nangyayari sa TOFarm Film Festival 2018?

O babawi sila sa kanilang opening night kung saan ipapalabas ang Magnifico ni direk Maryo sa isang shala hotel? Abangan!

Sa ikatlong ng TOFarm Film festival, na gaganapin sa Setyembre 12-18, anim na pelikula na lamang ang magkakabugan.

Ang mga kasali ay ang 1957, historical drama na kinunan sa Iriga kung saan bida sina Ronwaldo Martin, Richard Quan, & Menggie Cobarrubias; panulat at direksyon ni Hubert Tibi na pwede mong pagkamalang lead singer of a rock band.

Ang Alimu­om ni direk Keith Sicat, isang futuristic sci-fi flick na ang main premise, ay bawal na ang magtanim dahil walang lupang pagtataniman! Ang mga kasali, sina Ina Feleo, Epy Quizon, Mon Confiado, Kiko Matos, Elora Espano at Dido de la Paz.

Laban kung laban rin ang Kauyagan na sa Mindanao ang location. Si ­Julienne Ilagan ang direkted by nito at ang mga katauhan, ang magbibigay buhay, sina Jefferson Bringas, Perry Dizon at Bayang Barrios.

Pasok sa banga siempre pa ang Mga Anak ng Kamote, isa pang futuristic movie na set in 2048.

Parang ito pinaka star studded dahil ang mga kasama rito ay sina Katrina Halili, Alex Medina, Kiko Matos, Carl Guevara at Lui Manansala. Ang direktor si Carlo Enciso Catu, ang manunulat si John Carlo Pacala.

Parang ang magiging box office hit, Sol Searching kasi nga ang mga bida rito, sina a Pokwang at Joey Marquez, sinulat at direksyon ni Roman Perez Jr.

Ang may chance na maging award winner, ang cross cultural drama at romance, ang Tanabata’s Wife kung saan isang mature Japanese man ay nagkarelasyon sa isang mas batang babaeng Bontoc na kanyang trabahadora
Mukhang kaabang-abang ang mga pelikulang kasali sa TOFarm Film Festival, huh!