Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jeric, Mark, Baron, Joel bigay-pugay sa Sexbomb

0 98

NI: ROLDAN CASTRO

Pagdating sa pelikulang aksyon, sina Jeric Raval, Mark Anthony Fernandez, at Baron Geisler ay kabilang sa mga premyadong aktor ng kanilang henerasyon. Sa kanilang kapani-paniwalang pagganap, matatawag silang “barumbado” sa takilya.

Ngayong Nobyembre 5, bibigyan ni direktor Darryl Yap ng twist ang kanilang pagiging barumbado .Makikilala sina Raval, Fernandez, at Geisler bilang “Barumbadings”.

Sa kanyang social media post, pabirong tinawag ng direktor ang mga aktor bilang “Mga Bagong Reyna ng Viva” na sina Jerica Raval, Marie Antoinette Fernandez, at Baroness Geisler.

Pero, ang comedy-action movie na “Barumbadings” ay hindi lamang umiikot sa kanilang tatlo. Ang award-winning actor na si Joel Torre ay bibida rin dito bilang si “Mother Joy”. Siya ay gumaganap na isa ring bakla na kumupkop kina Izzy (Jeric Raval), Jopay (Mark Anthony Fernandez), at Rochelle (Baron Geisler).

Si Joy ay isang sikat na fashion designer na may-ari ng dress shop na House of Joy. Kahit bruskong tingnan dahil sa kanyang balbas-sarado, si Joy ay may malambot na puso, maawain at mapagpatawad. Hindi niya pinapatulan ang mga taong nangbu-bully sa kanyang pagiging bakla.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kinupkop niya sina Izzy, Jopay, at Rochelle upang ilayo sila sa gulo, at sa halip ay ipakilala sa mundo ng beauty pageants.

Simula Nobyembre 5 mapapanood na ang “Barumbadings” sa Vivamax.

Kasama rin dito sina John Lapus bilang Queenpin, Cecil Paz .Sila ang rason kung bakit nasangkot sa karahasan sina Izzy, Jopay, at Rochelle.

Pangalan pa lang nina Joel, Jeric, Mark Anthony at Baron ay laugh trip na.Sinunod ito sa kampo ng Sexbomb.

Bigay- pugay ito ni direk Darryl Yap sa naturang dance group na paborito niya nu’ng teenager pa lang siya.

Ang pangalan ni Joel ay hango kay Joy Cancio na manager ng Sexbomb.

Leave A Reply

Your email address will not be published.