Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jeric ‘nabingwit’ ni Sheryl

0 8,747

ROMMEL PLACENTE: Sabi nga sa pag-ibig,age doesnt matter,di ba mga ka-Cuatros? Hindi mo alam kung kanino ka mai-inlove, kung dun ba sa halos kasing edad mo o mas matanda sa ‘yo. Sa kaso ng mag-asawang sina Cong.Vilma Santos at Sen.Ralph Recto,alam nating malaki ang agwat ng edad ng una sa huli,11 years ang age gap nila.Kaya masasabing May-December love affair ang meron sila.Pero hindi ‘yun naging hadlang sa relasyon nila. 28 years na silang kasal at nananatiling matibay ang kanilang pagsasama.Pinatunayan lang nila na talagang wagas ang kanilang pagmamahalan.At sa kaso ni Sen.Ralph,pinatunayan niya na mali ang mga bintang sa kanya ng kanyang detractors noon na kaya niya lang niligawan at pinakasalan si ate Vi dahil gagamitin niya ito sa kanyang political career.

MILDRED BACUD: Sobrang laki sa 34 years ang age gap nina Pauleen Luna at Vic Sotto. Halos kalahati na sa edad ni bossing. Mas matanda pa ang comedian/host sa magulang ng aktres. Kaya hindi naging madali ang lahat lalo na sa side ng aktres.

Malapit kasi kami ni ka-Cuatros Rommel sa ina ni Pauleen kaya naging saksi rin kami kung gaano kahirap sa simula ang naging relasyon ng dalawa.Hindi lang silang mag- asawa ang tutol no’ng una, maging ang kamag-anak nila na umabot pa sa punto ng di pagkakaunawaan sa pamilya. May mga isyung lumabas kasi na peperahan lang daw ng aktres si Vic.

Sa side ni Pauleen, malaking adjustment din para sa kanya ang pakisamahan ang mga anak ni bossing lalo’t karamihan sa kanila ay mas matanda pa sa kanya. Naalala niyo ba ang tweet no’n ni Oyo Sotto na taong umeepal daw. Inisip ng mga netizen na si Pauleen ang pinatatamaan niya. Hindi niya inamin kung sino pero kung sino na lang daw tamaan ng pinost niya. Naging diretsahan din ang hindi niya pagsang-ayon sa relasyon ng daddy niya kay Pauleen. Sagot niya sa isang interview no’ng January 2012, “Ayoko talaga.” Masyado raw bata ang aktres sa ama. Gusto niya ay mas may edad daw sana. At that time kasi ay 26 years old si Pauleen at si Oyo ay 28.

Ngayon na may anak na sina Pauleen at Vic ay okay na rin ang relasyon niya sa mga anak ni bossing. Siya pa nga ang punong abala sa kada linggong bonding ni Vic sa mga anak.

RODEL FERNANDO: May nagtatagal naman sa sinasabing May-December affair dahil hindi ba sina Rocky Salumbides at Eula Valdes ay nagtagal rin kahit away-bati rin ang drama. Marahil talagang mahal na mahal nila ang isa’t-isa kahit eleven year ang agwat ng edad ni Eula kay Rocky.

Napabalitang naghiwalay noong 2018 pero nitong bago matapos ang 2020 ay matamis pa rin ang kanilang pagsasama. Hindi na nga lang masyadong napag-uusapan ang couple na ito lately. Hindi na rin kasi active si Ricky sa showbiz dahil balitang nakapokus daw siya sa kanyang negosyo.

Anyway, kahit minsan ay hindi sila nagkakaunawaan ay hangad naming magtagal pa ang kanilang pagsasama.

ROLDAN CASTRO:Kung age gap ang pag-uusapan ganyan din ang situwasyon nina Ai Ai delas Alas at ang mister niyang si Gerald Sibayan. Mukhang click naman sila dahil masaya pa rin silang nagsasama hanggang ngayon.

Ang latest naman sa ganyan ay sina Sheryl Cruz at Jeric Gonzales.

Hindi namamatay ang tsismis na ‘nabingwit’ daw ng aktres ang batang aktor. Patuloy silang nali-link sa isa’t isa.

Bet din ni Jeric na mas may edad sa kanya ang babae Marami raw siyang matutunan pag mas may experience ang girl..

Sa huling panayam kay Jeric sa “The Boobay and Tekla Show” (TBATS), buong ningning niyang sinagot kung ano ang real score sa kanila ni Sheryl.

“Alam n’yo naman naging close kami sa Magkaagaw so kung ano man ‘yung friendship namin ngayon, sa amin na lang ‘yun siguro. Very, very close kami. Special ‘yun,” pakli niya.

Feeling din daw niya ay siya na ang ‘Mr. Dreamboy’ ng aktres.

“OMG, I’m Speechless. Jeric on the hot seat with Tekla and Krissy,” reaksyon naman ni Sheryl sa kanyang IG account.
Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.