Abante Tonite Interactive

Jericho ‘di kawalan sa mga soap opera

475

Umani ng iba’t ibang reaksyon ang ginawang pagbubunyag ng ‘Halik’ star na si Jericho Rosales na ayaw na niyang gumawa ng teleserye dahil fee­ling niya wala nang excitement sa mga ginagawa niya.

Pakahulugan ng mga kibitzers, nasusuka na siya sa paglabas sa mga teleserye dahil hindi siya naggro-grow as an artist.

Sey naman ng iba, okey lang na magpahinga siya dahil hindi raw naman siya kawalan sa mga teleserye.

Pero tinutulan ito sa naging achievement ni Jericho sa larangan ng soap ope­ra. Sumikat siya sa Malaysia at sa Asian countries dahil sa serye niyang ‘Pangako Sa’Yo.’ Laging nire-request at binibili sa ibang bansa ang mga seryeng ginagawa niya.

Pagtatanggol pa ng iba, wala na raw namang dapat patunayan pa si Echo na tulad ni Piolo ay gustong mag-explore ng ibang larangan.

Dahil rin sa pag-amin niya na sawa na siya sa paggawa ng teleserye na kinarir niya for the past 23 years, tama lang daw na ibigay na niya ito sa mga nakababatang aktor. (Archie Liao)