Abante Tonite Interactive

Jericho  ‘di nagsisi sa pagsusugal

By
230

Hindi naniniwala sa suwerte ang Kapamilya award-winning actor na si Jericho Rosales. Para sa kanya, ang suwerte ay isang bagay na tinatrabaho. Kung anuman ang narating niya sa buhay bilang tao at aktor, iyon ay produkto ng kanyang ebolusyon.
“Lahat iyon, blessing from God. I  don’t believe in luck. Ginawa niya akong actor with a purpose. An artist with a purpose. He provides jobs for me. That’s why I have never been scared in my life kasi never niya akong pinabayaan. Ayon nga sa Matthew 6:43, seek and put first the kingdom of God and everything will be added unto you. I believe there is a much greater force than love,” paliwanag ni Echo.
Hindi rin nagsusugal si Echo tulad ng sa casino. Kung anuman ang naipundar niya, ito man ay pangalan, negosyo o katanyagan, ito ay bunga ng kanyang pagiging masinop sa buhay.
“Lahat naman tayo, one way or the other, we gamble. Sa mga desisyon natin sa buhay, whether it be in love or in work,” sey niya.
Isa ring businessman si Echo at meron siyang barber shop business.
Dagdag pa niya, kung anuman ang naging bunga ng kanyang pagsusugal o pagta-take ng risk, ito ay hindi niya pinagsisisihan.
“There are lessons learned and that’s what makes you a better person,” pakli niya.
He also believes in taking chances sometimes.
 “Pinakamalaking gamble ko iyong kumalas ako sa love team and then pursue my music. Then, I left showbiz for one year, pero despite that, nakakabalik ako,” aniya. “Nangyayari naman talaga ito when you take chances,” dugtong niya.
Ayon pa kay Echo, open na rin daw siya sa ideya na makatrabaho si Heart, ang kanyang ex sa isang proyekto dahil pareho na raw silang may pamilya at matagal na silang nakapag-move on sa kanilang nakaraan.