Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jericho, jologs pa rin

0 107

NI: ARCHIE LIAO

Malayo na ang narating ni Jericho Rosales mula nang manalo siya sa Mr.Pogi ng Eat Bulaga ilang dekada na ang nakalilipas. Nananatili pa rin itong grounded at sadyang di nalilimutan ang kanyang pinagmulan.

Sa latest adventure niya kasama ang pamangkin niyang si John Manalo, muli na namang pinahanga ng award-winning actor ang netizens dahil sa pagiging simple nito at humble.

Nag-trending sa IG ang cycling trip nila ni John sa Marikina.

Nang magutom ang dalawa, naisipan nilang kumain sa carinderia.

Medyo nadismaya lang ang aktor dahil nabitin ito sa kainan kung saan sila nag-stop over.

“Ano ang pares kung walang rice?” ani Jericho .

“So ang ending namin, dito ako dinala ni John John sa isang barbekyuhan, yum yum,” dugtong niya.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Sa kanilang pagroronda, pinagdiskitahan din ni Echo ang mga binti ng pamangkin.

“Kita niyo ba yang legs na yan ni John Manalo? Kung ilang horsepower ang nandiyan sa mga legs na yan?,”bulalas ni Echo.

Umani naman ng mga papuri sa netizens ang pagiging mapagkumbaba ng aktor na sa kabila ng yaman at narating sa buhay ay “jologs” pa rin at di nagbabago.

Ito ang ilan sa kanilang mga reaksyon.

“Idol Jericho napakasimpleng tao.”

“So humble naman ni Echo and Jan.”

“Pogi na mabait pa. Yan ang idol ng bayan, Mr. Jericho Rosales.”

“Yan ang humble, di nakakalimot kumain sa simpleng mga kainan.”

“Walang kaso kay idol echo yan. Yan ang kagandahan sa mga nanggaling sa wala. Karamihan hindi nakakalimot lumingon sa pinanggalingan.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.