Abante Tonite Interactive

Jericho, Julia, Mark inisnab ang GEMS

482

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

Maluwalhati at matagumpay ang gabi ng parangal para sa GEMS Hiyas ng Sining Awards na ginanap sa De La Salle Santiago Zobel Center for the Performing Arts, o mas kilala bilang Cultural Center of the Philippines of the South.
Ang major acting winners para sa pelikula, lahat dumalo. Ang best actor Iyah Mina (Mamu And A Mother Too) at best actress Glaiza de Castro (Liway).
Ang mga katuwang na actor at aktres, dumalo rin at personal na tinanggap ang kanilang mga tropeo, Arron Villaflor (pa­ngalawa na niyang pagwawagi para sa Mamu) at Sunshine Dizon (Rainbow’s Sunset).
Kung ang kanilang director na si Rod Singh, may mahabang aria kung bakit dapat sa best actress si Mina na ang isa sa mga “Mamu” peeps ang nagbasa, si Iyah, graciosang tinanggap ang kanyang pagkapanalo. Nagbiro pa nga ito, pinalaki kunwari ang boses. Damang-dama mo na sinsero ang kanyang pagtanggap sa desisyon ng mga taga-GEMS kahit nga may biro siyang totoo na maski siya, parang nagugulumihanan na sa kanyang gender assignment. Sa huli, in her most triumphant voice, sinambit ni Mina na “Babae po ako,” at ang crowd, masigabong palakpakan ang binigay sa kanya.
Ang Liway best actress na si Glaiza, naka-hoop earrings, naka-shining, shimmering, splendid na bronze top and pants ensemble.
Ang guwapo-guwapo ni Arron sa kanyang copper po­wer suit get up at misty eyed siya habang nagpapasalamat.
Si Sunshine naman, naka-powder blue attire. Chikadora lang si Dizon. Nasa likuran ko lang kasi siya at buti na lang hindi ako “bionic ears” dahil bits and pieces of her recent altercation with a kasambahay na super sharing sa kaibigang si Iza Calzado.
Speaking of Iza, isa siya sa major winners para sa telebisyon para sa “Ngayon at Kailanman.” Present din ang mga best single performance winners na sina Joross Gamboa, Kim Chiu at Jhong Hilario.
Sa lead actor at actress categories, no show sina Jericho Rosales para sa “Halik” at si Julia Barreto naman para sa “Ngayon at Kailanman.” May pictorial yata para sa kanyang bagong pelikula ni Gerald Anderson kaya iyon ang mas priority niya.
Nasa winners circle rin si Joanna Ampil para sa “Waitress.” Present din si direk Floy Quintos na wagi para sa the Kundiman Party at lifetime achievement awardee para sa tanghalan.
Sayang at hindi nakadalo si Mark Bautista. Wagi pa naman siya bilang best actor for theater para sa APO musical.
Ang goosebumps moment para sa diva that you love, ay ang pagkakataong ginawad kina Ms. Elena Patron, lifetime achievement awardee para sa panulat at sa living legend na si Ginoong Eddie Garcia, lifetime achievement awardee for films.
Si Ms. Patron ay isang kolumnista, nobelista at may-akda ng mga natatanging kuwentong pang-komiks. Of course, si Ginoong Garcia ay isang multi-awarded director at actor at puwede na talagang tanghalin bilang isa sa mga Pambansang Kayamanan Para sa Sining Pelikula.
***

Best Male Entertainment Columnist

Ang diva that you love, sa ikatlong pagkakataon, tinanghal muli bilang Best Male Entertainment Columnist. Sa true lang, ni-record ko ang kanilang citation kung bakit ako ang nagwagi, “Sa mga nagtatanong kung bakit siya na naman. Ibabalik namin ang tanong, wala ba siyang karapatan? Magmula nang pasukin, larangan ng panulat, nagmarka siyang tunay, nag-iwan ng tatak. Anumang paksang kanyang talakayin, kahit kababawan lang, nagagawang palalimin. May istilo siyang kanyang-kanya lang. Kaya’ wag nang itanong kung bakit siya na naman!!!!!”
Hindi ba naman? Kung sino man ang sumulat nito, maraming-maraming salamat po. Ang tagumpay ko sa GEMS Hiyas ng Sining, kasama siyempre ang aming patnugot sa entertainment section, Roldan Castro, ang PRAGE Management Corporation na pinamumunuan nina Sir Rey at Sir Gil. Kasama rin siyempre sa karangalang ito ang ka-trio con brio naming ni Boss Roldan sa “Tambayan ng Tsika Tonite” at patnugot sa Celebrity Radar, Francis Simeon.
Sa pangatlong pagkakataon, ibang high ang binigay nito sa akin. Mas lalong naging espesyal ang gabi ng parangal dahil ang aking kaibigan since high school, si Albert Fontanilla na isa ngayong fashion designer.
Siyanga pala, maliban sa pagtanggap ng aking tropeo, ang aking FG Rex Tiri, naglambing na ako ang tumanggap ng karangalan para sa pelikulang “Bakwit Boys” na tinanghal bilang Natatanging Pelikulang Pampamilya. Siyempre, bilang FL ni FG, makakatanggi pa ba naman ako? Hahahaha!
Muli, salamat sa GEMS Hiyas ng Sining. Sa mga mambabasa, tagumpay nating lahat ang tagumpay kong ito!
***

EA ‘di kayang talikuran si Shaira

Iba talaga ang alindog at kamandag ni Shaira Diaz. Hindi niyo siya puwedeng i-The WHO ­dahil siya lang naman ang babaeng bukod tanging minamahal sa lahat ni Edgar Allan Guzman.
Is it just a coincidence na ang dalawang magsing-irog na laging tigas tanggi ni EA dati na nagkabalikan na sila ay parehong Kapuso na sa kasalukuyan? May naniniwala ba naman talaga na naghiwalay na ang de-kolor at puti nila to begin with lalo na nga’t here, there and everywhere ang kanilang sightings?
Ang latest, may eme na ganito si Edgar sa kanyang IG, “I have a crush on you” na ang pinatutungkulan ay isang larawan ni Shaira na kay ganda-ganda nito. Hindi niya talaga kayang talikuran.
Habang aking tinitipa ang ­aking pitak, may 6,224 likes na ang photo posting ni EA. Ibig sabihin nito, marami rin talaga ang nagagandahan sa kanyang Shaira at may chance na hindi lang siya ang may “crush” dito.
Bonggang-bonggang career boost para kay Diaz na mapasama siya sa romantic comedy “Love You Two,” kung saan isa siya sa mga major, major bida. Ang main stars dito ay sina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion lang naman, with matching Kiray Celis pa and so many more.
Kiss your babaeng buboy and starlet days goodbye and good riddance, Shaira Diaz. Sa Kapuso pala kayo mas lalong papatok at magiging palong-palo ni Edgar Allan Guzman, huh! Winner!