Abante Tonite Interactive

Jericho makasarili?

818

Umani ng samu’t saring reaksyon ang ginawang pagbubunyag ni Jericho Rosales kung bakit ayaw pa nilang magkaanak ng asawang si Kim Jones kahit humigit-kumulang na limang taon na silang kasal.

Sey kasi ni Echo, feeling niya, ang da­ming gustong umagaw ng mga gusto pa nilang gawin sa buhay nila ni Kim. Paliwanag pa niya, hindi rin daw magandang ideya ang magkaroon ng baby dahil magi­ging kawawa raw ito.

Emote pa niya: “Papatayin namin ‘yung mga pangarap namin dahil gusto naming mag-baby? Wala namang nagpre-pressure sa aming magka-baby. Kultura lang at tradisyon.”

Dahil dito, marami ang nainis at na-turn off sa actor.

Hirit ng ilan, ang tagal na raw nito sa showbiz at may napatunayan na naman kahit paano, eh ano pa raw pangarap ang minimithi nito? Hindi raw kaya may itinatago lang ito?

Ito ang naging reaksyon ng mga netizens:

“Having a baby is a blessing. People should not consider it as something na makakasira sa pangarap.”

“Haha stupido.. grbe ang outlook mo sa buhay.”

“The words, ‘papatayin namen mga panga­rap namen dahil gusto namen mag-baby?’ Selfish but reasonable though.”

“Di q dn nagustihan ung linya na papatayin ung pangarap dahil lang sa baby.. wow.. yung iba nga pangarap magkababy..”

May ilan namang ipinagtanggol si Echo at ito ang kanilang naging komento:
“May point si jericho, siguro mali lang ang choice of words niya. Pinaplano lang niya maigi ang lahat and by the time na ready na siya yun na ang priority niya.” (Archie Liao)